Meycauayan River

Friday, July 30, 2010

Flashback - Isa din akong tanga!



Flashback - Isa din akong tanga!

Ang larawang inyong nakikita sa kaliwa ay noong panahong nakikipagusap kami sa "San Jose Parish Church" tungkol sa usapin ng "No to Landfill"!

Parang ayoko ng maging makakalikasan!Mahirap palang maging makakalikasan, dahil lahat ng likas na bagay ay gusto mong maiwasto kasama na ang tao, pero paano kung ang gusto mong iwasto ay may mga pansariling interes at ayaw magpawasto sa iyo, mahirap hindi ho ba? Sa kagagawa ko ng mga blog, at pagpapadala ng email ay marami ang mga natatangap kong mga salita na hindi ko yata kayang lunukin na lang basta, kung malapit lang sila sa akin ay hindi ko alam kung ano ang nagawa ko para makaganti sa kanila, pero hindi ko na siguro dapat gawin dahil alam ko nabibilang lang sila sa mga tanga!!!!

Ang panahon natin ngayon ay "Panahon ng mga tanga" o "Age of Idiots", ipinaliwanag ko na ito dati, kung nabibilang kayo dito ay pasensiya kayo!!!

Sino-sino ba ang mga tangang ito:
1. Ito yung mga taong sa kaunting pera lang ay magpuputol ng mga punong-kahoy para gawing kaingin, o mag-troso para sa mga ganid na mamumuhunan, na hindi baleng magkamatay kayo basta may pera sila. Ang isang puno na inyong pinatay ay maaring libong tao ang maapektuhan, di ba katangahan ito? At para masabing hindi sila nakukunsensiya ay magpapa-volunteer na magtanim ng puno na kanila ang gastos...para itong "aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo".....nakukuha ba ninyo ang ibig kong sabihin, kung hindi kabilang kayo dito!

Isa pa lang ito sa mga taong nabibilang sa mga tanga o nagtatanga-tangahan, marami pa itong kasunod, gagawin kung isa-isa lang ang paglalahad at baka magalit kayo sa akin, dahil lalabas isa kayo sa mga ta..., darami lalo ang aking kalaban...

Pero bago kayo magalit sa akin ay sasabihin ko sa inyo na isa din akong tanga, bakit kanyo, dahil sa hindi ko pa maumpisahan ang organikong pagtatanim ay kumakain ako ng mga gulay na ginamitan ng kemikal, no choice ika nga, pero tinitiyak ko din na gawin muna itong wala o tangal na ang kemikal bago ko kainin, pero dahil bumili ako ng gulay na ito na ginagamitan ng kemikal na abono na siyang pinakamalakas sumira ng kalikasan at kalusugan, masasabi ko din sa sarili ko, na isa din ako sa mga tanga!

Sa pagpapakawala ko ng mga blog, maraming nagagalit sa akin na mga banyaga, bakit ho ba sila nagagalit, kasi Tagalog ang ginagawa ko na hindi nila maintindihan, take note o intindihing mabuti ha, hindi sa ibang bansa nakatira ang mga taong ito, nakatira dito sila at naapektuhan ng mga ginagawa ko, at pag pinabasa sa kapwa nating Pilipino ang ginawa kong blog, lalo silang maiinis, alam ninyo kung bakit, sila ang mga namumuhunan ng mga katarantaduhan na sumisira ng ating kalikasan...

Kung gusto pa nating umunlad ang ating bansa at maiayos ang ating kalikasan, tulungan ninyo ako, kung tungkol sa kalikasan ang ating paguusapan Tagalog ang gawin nating paguusap, at huwag ng sa message ipadala, kailangan sa komento, yung nakikita nila na hindi nila maiintindihan, huwag lang jejomon at baka pati ako hindi ko yung maiintindihan, at pag binasa sa kanila ang mga nagiging usapan natin ng kapwa natin Pilipino, yung ang saksakan ng tanga!

Isa sa malakas sumira ng ating kalikasan ay ang landfill, gawa ng mga banyaga, wala tayong ganyang teknolohiya dahil alam natin na maaapektuhan ang ating mga watershed,pero tinatangkilik natin kaya bilang kayo sa mga tanga kung malapit ito sa lugar ninyo na inyong pinayagan,ngayon kung hindi ninyo pa alam na masama ito sa kalikasan ay buksan ang ating website, i-klik lang ang "Ilog ng Meycauayan" sa itaas at hanapin ang "No to landfill" page, para hindi kayo makabilang sa mga ta...

At sana, kayong mga kapwa ko Pilipino ay huwag magalit sa akin kung nakakapagbitiw man ako ng mga salitang ayaw ninyo, ginagawa ko ito para sa mga anak natin at mga apo, at magiging mga apo pa, kung wala kayong pagmamahal sa kanila, sige magalit kayo sa akin at maiintindihan ko kayo......

6 comments:

urby said...

gud pm po sa inyo......talaga mrami kyo mkakabangga o palitan ng salita thru comments dahil sa pagbatikos sa mga tatamaan......hnd lng nmn sa bnsa 'Pinas nangyayari ang gnyan....maski rin d2 sa Jpn.,tlga may mga tao n wala inintindi kundi ang saraili nila, hnd nila naiisip kun ano ang mangyayari at sino ang mapapahamak pag dating ng araw....iniisip nila ang NGAYON(KIKITA NG MALAKI).....papano na ang BUKAS?(NA TULUYAN NG MAWAWALA ANG KALIKASAN PRA SA SUSUNOD HENERASYON)

Jaime Leandro Flores Reyes said...

Salamat rmfuda, alam mo two years ko ng ginagawa ang pagiging mahinahon, kung papanoorin mo yung naka-post kong pakikipagusap sa isang munisipyo na nasa youtube, makikita mo na hindi ako nagagalit, pero sa nangyari sa mga kababayan natin sa bagyong Ondoy na libo-libo ang namatay nating kababayan ay nabago ang pananaw ko, walang mangyayari sa bansa at kalikasan natin kung hindi ako gagamit ng ganitong pananalita, matanda na ako, anytime handa na akong mamatay, pero paano naman yung mga anak, mga apo, at magiging apo pa natin, iiwanan ko ba ito na ganito ang nangyayari sa kalikasan natin, may konti akong talino, kung makikinig at makikiisa sa akin ang mga kababayan natin puwede pa natin itong mabago, katangahan lang naman at kaimbihan ang problema ng buong mundo, kung Pilipino ka magiging proud ka sa mga gagawin nating pagbabago para sa ating kalikasan dahil gagayahin tayo ng buong mundo, kaso ang nakikita ko mismong mga kababayan natin ang numero unong sumisira ng kalikasan, at hindi lang ang bansa natin ang naapektuhan kung hindi buong mundo. Sa aming mga researcher at mga sayantista, nagkakaisa kami sa aming mga ginagawa at pinagaaralan na ang pinakamainit na panahon na mangyayari ngayon sa mundo ay may 85 na buwan na lang na paghahanda kung gusto nating huwag itong maranasan dahil posibling hindi tayo mabuhay sa init na ito, alam ba ito ng mga tanga at patuloy silang naninira ng kalikasan, yung mga nagtatanga-tangahan, kaya bang pigilin ng pera nila ito??
Salamat rmfukuda, mukhang isa kang Pilipina na nakapag-asawa ng hapon, huwag mo sanang kalimutan ang bansa mo at mga kababayan, tulungan mo akong paliwanagan sila, gumawa ka din ng mga blog tungkol sa ating namamatay na kalikasan, salamt uli ha, sa komento mo!!!!!!!!

Jaime Leandro Flores Reyes said...

Siyanga pala rmfukuda, matatalino ang mga kababayan ng mister mo, sa liit ng bansa ninyo di kayo makagawa ng landfill o alam nilang posibling makasira sa inyong kalikasan, sigurado ako na wala kayong landfill o pinipili lang ninyo ang itatapon kung mayroon man....dahil dito sa bansa natin tinatapon ang mga mapanganib ninyong materyales katulad ng mga hospital waste, sinasakay sa bapor kukunin sa pier at dadalhin sa landfill.....dito sa bansa natin daming sakit nainbento ng mga doktor pero hindi daw nila alam kung saan galing....he he doktor tanga o nagtatanga-tangahan????????

ronraf said...

gud pm po sir Jaime,

kaisa nyo po ako sa inyong layunin, at tulad po ninyo, alam kong sa aking munting paraan ay may nagagawa ako para mabawasan ang "pressures" sa ating kalikasan sa panahong kasalukuyan.

subalit napapansin ko lang po sa mga blogs na nababasa ko, marami po kayong mga puna at pagbatikos na ginagawa, pero wala o akong nakikitang inilalatag ninyo na alternatibo or solusyon sa mga problemang inyong tinatalakay.

Ssa akin pong palagay, mas minam siguro na maging patas tayo sa ating mga sinasabi. Ako man po ay nagagalit sa mga taong walang pakialam sa kapwa at sa akapaligiran niyang ginagalawan, pero lahat po tayo ay may kanya kanyang responsibilidad sa bawat problemang ating dinadanas sa ngayon. Tulad po halimbawa nung krisis sa tubig, alam natin na maraming pagkukulang ang mga nasa gobyerno, pero tayo po bilang mga mamamayan ay responsable rin na magtipid at magpahalaga sa tubig. Sa ating konting paraan ay may magagawa tayo upang makatulong sa pagbabago, lahat po tayo ay bahagi ang lipunan, hindi po lamang ang gobyerno. Ngayon po, dito sa landfill problem na ito, sa akin pong palagay ay malaki ang magagawa ng bawat indibiduwal para mabawasan ang pagdami ng itinatapong basura sa mga basurahan sa pamamagitan ng simpleng segregation, o paghihiwalay ng mga basurang nabubulok at di nabubulok, paggami na muli ng mga basurang puwede pang gamitin at pagre recycle.

Ako po ay isa sa masugid ninyong tagasubaybay sa bawat blog post ninyo dahil marami rin po akong natututunan sa inyo. At tulad nga po ng sinabi ko, kaisa po ninyo ako sa inyong layunin. Makaktulong po ako sa inyo kung inyong mamarapatin, pero ang nais ko lang po sana, sa bawat pagpuna na ginagawa natin, may nakalatag din po tayong alternatibong solusyon or suhestiyon na makakatulong para man lang mapagaan ang problema kung hindi man maslusyunan.

Salamat po, at inaasahan ko po na ipagpapatuloy ninyo ang inyong magandang adhikain. Marami po kaming nakikinig at nakikiisa sa inyo.

Engr. Ronald V. Rafer
Kingdom of Saudi Arbia

ronraf said...

Sir Jaime,

isa rin po akong blogger, although hindi po ako gaanong aktibo sa blogging dahil abala sa trabaho ko dito sa Saudi, pero minsan po ay ginagaawa ko ito bilang pampalipas ng oras...subaybayan nyo po ako sa aking blog page,: http://ronraf.blogspot.com although personal touch po ang blog na yan, pero ngayon po, dahil sa inyong inspirsyon ay pinag aaralan ko na gumawa ng blog tungkol naman sa ating kalikasan. subaybayan nyo rin po sana at ibahagi sa inyong mga taga subaybay ang aking blog na gagawin:

"THE PLUNDERED PLANET"

salamat po ulit

Ron

Jaime Leandro Flores Reyes said...

Salamat ronraf, hindi ka pa kasi aware sa mga ginagawa ng aking foundation kaya mo nasabi na wala naman akong inilalatad na solusyon, napakadami ang binibigay kung sulusyon na hindi ko malaman kung abkit ayaw nilang patulan dahil sa pansariling interes, kung mapapansin mo ang larawan sa kaliwa, kukuwento ko sa iyo ang mga pangyayari sa landfill sa SJDM, ginagamit na iyan ngayon!

Umatend kami sa meeting ng mga ayaw sa landfill, kasama ang mga pari, mga makakalikasang grupo daw, mga aktibista, makakanan at makakaliwa. Ang gusto nila mag-rally, na ayaw ko, ang sabi ko sa kanila, wala na tayo diyan magagawa, may pondo na yan, ang tanging magagawa nating sulosyon lagyan ng MRF sa tabi nito at piliting huwag makasira ng kalikasan ang mga itatapong basura gamit ang aming teknolohiya......so anong nangyari, iniligaw na kami sa mga sumunod nilang meeting at di na kami tinawagan... so ano ang talagang purpose nila....kung hindi ako namamali...bahagian ng pondo para tumigil na sila ng pag-ra-rally...kuha mo ba ronraf?
inemessage ko na sa ito sa iyo sa facebook, http://virginpecopro.net/services/ kung gusto mo malaman kung ano ba ginagawa namin at mga gagawin pa, salamat!