Created by the "GUARDIANS" : Gentlemen and United Associates of the (Filipino) Race, Dauntless and Ingenious Advocator for the Nation and Society!
Saturday, July 31, 2010
Isa din akong tanga!
Isa din akong tanga! Maraming nagagalit sa akin pag sinasabi o isinusulat ko na ngayon ay panahon ng mga tanga o "Age of Idiot" at halos lahat ng Pilipino ay sasabihin kong tanga, pero dahil sinabi o isinulat ko na halos lahat, siyempre kasama ako, pero hindi naman ito ang literal na tanga kung hindi "Tanga kung kalikasan ang Paguusapan"!
Year 2000 noong nagumpisa akong mag-aral ng tungkol sa ating kalikasan, ito ay dahil sa awa ko sa mga kababayan nating nalubog sa bundok ng basura sa "Payatas" na ikinasawi ng daan nating kababayan, kung may pagpahalaga ka sa buhay ng tao, puputok ang puso mo sa mga larawang ipinakikita sa mga diyaryo at telebision, mahina ang puso ko sa mga ganitong eksena o sabihin na nating isa akong taong ma-emosyonal, na kahit hindi niya kaano-ano ang mga namatay ay iiyakan niya dahil iyon ay kanyang mga kababayan, at isa ako doon sa mga taong iyon!
Kontratista ako noong panahong iyon, mayaman na siguro ako ngayon kung hindi ako nagpalit ng opisyo, sa pagiging isang kontratista papunta sa pagiging isang makakalikasan, di ba katangahan iyon?
Matanda na ako, may kaunting talino, at kaunting pera (Ubos na ngayon), na inisip kong ang nalalabi ko pang buhay ay mag-aral na lang tungkol sa ating kalikasan at baka sakaling makatulong ako na mapigilan ang napipintong pag-init ng panahon at huwag ng maulit ang trahedya sa Payatas. Marami ang hindi nakakaalam na ang napipintong pag-init ng panahon (Global warming)ay pinaguusapan na noong pang taong 1992 at nagkaroon na ng world summit para diyan, kung paano mapipigilan, pero lumakad ang panahon na mas lalong lumalala ang sitwasyon dahil dumarami ang industriya!
Kaya ko laging sinasabi na ngayon ang "Panahon ng mga tanga' ay dahil sa ating mga katangahan, ilang buhay na ba ang nalagas simula nang panahon nang mangyari ang "Payatas Tragedy", sa panahon ni Ondoy at Pepeng, sa nangyari sa Bikol, huwag ninyong sabihing walang kinalaman ang ating kalikasan diyan, gaya ng sinasabi ng mga nagtatanga-tangahan o ubod ng mga tatanga....nating mga kababayan!!!!
Isa din akong tanga, dahil inuubos ko ang aking panahon dito, at dumarami pa ang aking kalaban dahil marami ang aking nasasagasaan...di ba katangahan iyon?
Tapos na ang aking pag-aaral para sa ating kalikasan, alam ko na ang ating mga gagawin para matulungan ang ating inang kalikasan, pero hindi ko iyon magagawa ng nag-iisa, marami ang miyembro ng aking "Foundation" na itinayo, pero hindi ko maoobliga na ubusin ang kanilang oras para tulungan ako o mag-boluntaryo para dito, dahil may sari-sarili din silang pamilya at mahalaga ang oras ng kanilang pagtratrabaho dahil sa kaliitan ng suweldo!
At hindi ko din maasahan ang mga makakalikasang grupo na minsan isang taon lang kung kumilos, para lang siguro makilala sila o makilala ang grupo nila?
Nakita o nabalitaan ninyo ba ang isang malaking grupong pang-internasyonal noong isang buwan na naglinis ng dagat sa Manila Bay, ang gaganda ng suot ano po, pero basura ang kukunin, paano ba yun?
E di kumuha sila ng mga magbo-Volunteer na papakainin na siyang sisimot ng basura, plastik, kaya lalong dumami ang plastik ng dagat ng araw na iyon...he he..
Ang aming sinusulong ay araw-araw na trabaho para sa ating kalikasan, wala ditong sosyalan kung hindi purong trabaho lamang, bigyan natin ng trabaho ang mga kababayan nating walang trabaho, sila ang pagtrabahuhin natin, sagana tayo sa teknolohiya, ang pondo? Yung mga pondo para sa kalikasan na ibinibigay sa mga Congressman, Mayor, Gobernador, ahensiya ng gobyerno, at bigay ng mga may mabubuting kalooban nating mga kababayan!Kung isa kayo dito, tulungan sana kami, at walang mawawala sa inyo dahil ibabawas lang ito sa buwis ninyo!
Yung binabalak ng NFA na "Work for Rice" ay isang insulto sa ating mga kababayang walang trabaho, bakit hindi bigyan ng trabaho para bumili ng bigas na bago at hindi bulok? Kabilang ba itong NFA sa tanga? Nagtatanong lang po?
Ngayon kung bakit ko sinulat na isa din akong tanga, pakibalikan lang po ang "Flashback - Isa din akong tanga", dahil tiyak ko hindi ninyo ito binasa, mababasa po ninyo doon!
Paki-klik ang "Ilog ng Meycauayan" sa itaas nito para sa mga karagdagan na impormasyon!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment