Meycauayan River

Monday, July 19, 2010

Ligtas bang kainin ang mga isda?




Ligtas bang kainin ang mga isda? Sabi nga kung yung lulutang-lutang ngayon sa Laguna de Bay na halos nanga-ngamoy na e paano iyon masasabing ligtas, ang pagkain ng isda, siyempre kahit na yata bayawak hindi iyon kakainin dahil sa sobrang sang-sang ng amoy nito, pero iyong nabibili sa palengke, ligtas bang kainin?

Sa ngayon, wala tayong naririnig na kaso kung bakit nagkaganito ang mga isdang namamahay sa Laguna de bay na nakitang mga patay na pagkatapos ng bagyong si Basyang liban sa iyon ay gawa ng bagyo.

Naniniwala ho ba tayo sa dahilan na ito? Alam ba natin na noong panahon ni Ondoy na pinasukan din ng tubig ulan na may kasamang basura ang Laguna de Bay pero hindi nangyari ang maramihang pagkamatay ng mga isda o fish kill? At alam ba natin na ang tubig na pumasok ngayon sa Laguna de Bay ay galing sa Ilog Pasig na sa sobrang dami ng nakakalasong kemikal at langis ay ang siyang pumatay sa mga isda?

At alam ba din natin na hindi pa nangyayari ang bagyong si Ondoy ay may nakakausap na akong mga tao na nakatira sa paligid ng lawang ito na nagsasabi na lasang lumot na o gilik ang mga isdang namamahay dito, na halos di na nila makain!

Simple lang naman ang paliwanag dito, ang lason kung kaunti ay hindi nakakamatay lalo na kung may kasamang tubig, unti-unti lang kasi kung pumasok ang tubig ng Ilog ng Pasig sa Laguna de Bay dahil walang bagyo, pero nakaka-apekto sa mga isda kaya naglalasang gilik, pero paano kung biglang itulak ng tubig dagat ang tabang na tubig ng Ilog Pasig papunta sa Laguna de Bay dahil sa bagyo, e di darami na ang lason na galing Ilog Pasig na siyang ikinamatay ng mga isdang namamahay dito, di ho ba?

Ang Ilog Pasig ay matagal nang nililinis simula pa ng "Piso para sa Ilog Pasig" ni Madam Ming Ramos, labinpito o labing-walo ng taon simula ng umpisahan ito, minana ng Clean and green, ngayon ay ang Ayala Foundation at Sagip Pasig Movement ang nagpapatuloy pa din yata nito, pero mali ang mga sistemang ginagawa ng dalawang grupong ito na may katulong pa yatang sangay ng Gobyerno, di kasi ako sigurado kung yung Pasig rehabilitation ay NGO o gobyerno!

Malilinis ba ang ilog kung gagamitan ng mga para-parada, pag-gawa ng mga float at iikot sa ilog na ito, pagbibigay ng "Lason Award" sa mga kumpanyang nagtatapon ng kemikal sa ilog na ito, at paglilinis minsan isang taon???

Kung talagang gusto nating malinis ang Ilog Pasig, palayasin din ang mga Pabrikang nasasa-gilid ng ilog na ito kung wala silang "Waste Water Treatment Facilities", kung mayroon man ay tiyakin kung nakakasunod sila sa batas para dito, napalayas ninyo ang mga eskuwater kaya puwede din ninyong gawin ito sa kanila, at huwag ng magpapapasok ng mga barge na siyang nagkakalat ng mga langis dito, palayasin na din ang mga oil depot na matagal ng gustong gawin ng mga taga maynila dahil napakalaking epekto nito sa ilog Pasig at maaring pagmulan pa ng malakihang sakuna!

Pero lagi na pera ang nangi-ngibabaw, kaya tiis na lang tayo sa mga susunod pang mangyayari sa ating mga kailogan, mga palaisdaan, at sa atin ng namamatay na kalikasan, at ang pagkain ng isda, lalo na kung galing tubig tabang ay ating pag-ingatan, at baka hindi man tayo mamatay bigla ay magkasakit naman tayo ng sakit na wala ng lunas o kanser, kaya ingat-ingat mga kababayan ko at "Pagpalain nawa tayo ng Panginoong Diyos"!

Mangyari po sanang i-klik ang larawan ng "Ilog ng Meycauayan" na makikita sa itaas at pumunta sa aming "Services" page o pahina, dahil lagi na,na may sulusyon ang "GUARDIANS Stop Global Warming Foundation, Inc. sa mga problema natin sa ating kalikasan, sa kailogan, at sa ating kalusugan!

Paki-sundan na din po ang inyong lingkod sa www.facebook.com/gsgwfi at sumali sa mga grupong pang-kalikasan, salamat po!

No comments: