Meycauayan River

Wednesday, July 14, 2010

"Bagong Tiktik" - Kunsensiya - MERALCO


"Pagkain ng pamilya ko, napunta sa "Meralco" sigaw ng isang poster ng aktibistang grupong "Freedom From Debt Coalition" sa kanilang pagtutol sa mataas na singil sa elektrisidad ng nasabing kumpanya. Sa tuwinang magtataas ng singil ang nasabing kompanya-gaya ng gagawin na naman nila ilang araw mula ngayon-ang ikinakatuwiran nila ay nagtaas daw ng singil ang mga kumpanyang gumagawa at binibilihan nila ng elektrisidad. Kaya hindi raw sa bulsa nila napupunta ang dagdag na singil kundi sa mga binibilhan nila.

Ang Meralco ay may sarili ring kumpanyang gumagawa ng elektrisidad, kaya kumikita rin sila nang limpak-limpak pag iyon ay nagtaas ng singil. Ngunit ang isang malaking dahilan ng napakataas na singil ng Meralco ay ang pangyayaring sa mga kostumer nila sinisingil ang mga gugulin nila sa elektrisidad na kinokumsumo ng napakalaking gusali nila sa Ortigas. Pagkarami-raming airconditioner at mga ilaw ang nasabing gusali. Ang gugugulin sa elektrisidad ng mga sangay na tangapan nila ay sa mga kostumer din nila sinisingil. Idagdag diyan ang dami ng mga kawani nila, na ang matataas na mga pinuno ay sumusuweldo nang limpak-limpak, at talagang kakailanganing magtaas sila nang lampas-batok sa singil nila sa elektrisidad. Ngunit ang ganyang singil ay mapapababa kung ang mga may-ari ng Meralco ay magkakaroon lamang ng kahit bahagyang kunsensiya.

Ang nasa itaas na artikulo ay inilathala ng "Bagong Tiktik" noong Hulyo 12, 2010 at nirapat na ding isama sa mga blog ng inyong kaibigan sa kadahilanang ang mga nagbabasa daw ng "Bagong Tiktik" ay mga low class na tao, at sa kadahilanang din na ang inyong lingkod ay ibinibilang din ang kanyang katauhan sa low class na tao ay ibinabandurya ko sa lahat ng Pilipino sa buong mundo na ang "Bagong Tiktik" ay isang educational newspaper dahil marami akong natututunan dito bilang isang researcher ng kalikasan at kalusugan ng tao!

Ang aming "GUARDIANS Stop Global Warming Foundation, Inc." ay isa din sa mga nabibilang na Charitable Institutions sa ating bansa, at isa din sa aming ipinaglalaban ang kapakanan ng mga kababayan nating mahihirap, bukod sa panga-ngalaga ng ating kalikasan!

Ang tanging puna lang namin sa Meralco ngayong mga panahong ito na nagbabalak na namang magtaas ng kanilang singilin sa koryente ay asikasuhin naman nila ang mga illegal connections na nagpapadag-dag pa ng pasanin ng mga taong nagbabayad ng legal sa kanilang kumpanya, at yung mga hindi nagbabayad katulad ng mga Munisipyo na lumalaki ang utang sa kanila ay huwag naman nilang idagdag sa mga kustomer, at katulad ng nakasulat sa itaas baka pati ang mga bahay ng mga may-ari ay walang metro na sinisingil sa mga kustomer, ang tawag dito ay COB o charge to business kaya ipapataw talaga sa mga kustomer!

At yung mga nagbabalak daw na magpetisyon na huwag itaas, ang tawag dito moro-moro dahil tiyak din na ito ay tataas dahil ang katwiran, kesa mawalan ng ilaw e magbayad ng mahal, dahil malulugi daw sila at mataas ang bili nila sa supplier ng kuryente.

Ok, mataas na kung mataas, pero wala naman na halos silang mga empleyadong binabayaran dahil kontraktual na ang mga empleyado, wala ng bunos, wala ng benepisyo, kaya sobra-sobra ang kanilang kinikita, at nakakatiyak pa ang nakakarami, hindi maayos ang mga pagbabayad nila ng buwis katulad ng ibang malalaking kumpanya, marami ang makikipag-pustahan dito kung patitignan ang libro!

Pilipino ba ang mga taong ito, palagay ko hindi Pilipino ang namumuhunan dito, kaya walang awa sa mga naghihirap na Pilipino, biro ninyo, ang bayad natin sa kuryente pinakamataas sa Asia at kung ikukumpara mo sa cost of living ang pera ay mas mataas pa tayo sa Amerika!

Bakit kaya ang mga mambabatas natin ay hindi gumagawa ng batas na magkaroon ng panibagong kumpanya na magbibigay ng panibagong serbisyo ng kuryente, o gawing 110 volts lang ang kunsumo, siguro mababawasan ang sunog at yung sinasabi lagi ng Arson investigator na "Faulty Electrical Wiring" ay hindi na natin maririnig dahil pag-nag-short ang 110 volts at hindi pumutok ang fuse, siguradong sa ground o sa lupa mapupunta ang kuryente at hindi magkakasunog!

At kung sakali na gawing 110 volts ang serbisyo, puwede sa bansa natin ito dahil puro auto-volt na din ang mga lumalabas nating mga aplayanses, makakatipid na ang mga kustomer, malaking bagay pa ito sa ating kalikasan!

Sa pagtaas ulit ng kuryente, asahan na natin na darami uli ang sunog, dahil ang mga kumpanya na magbabayad ng legal sa Meralco ay tiyak na hindi kikita, ang remedyo nakawin ang kuryente, na magbibigay ng overload, kung hindi puputok ang transformer sa poste, tiyak na kumpanya niya ang masusunog, pero paano naman ang gagawin natin sa kanila, na nagbabayad din ng mga system loss?????????

No comments: