Meycauayan River

Sunday, July 25, 2010

Tag-ulan na ba, kapos pa ba ang tubig ng Dam?


Tag-ulan na ba, kapos pa ba ang tubig ng Dam? Pasensiya na po sa mga tatamaan ng tanong natin ngayon, di ko lang matiis na hindi sulatin ito kahit na araw ng Linggo, sorry ho sa Napocor, Media, at Maynilad, gayundin sa mga kontraktor na tinamaan ng blog kong "Bato-bato sa langit ang tamaan huwag magagalit", iba na po ang panahon ngayon, kung nagagawa ninyo ang mga kalokohan ninyo noong araw, hindi na pupuwede sa Pangulong NoyNoy natin, susuporta ako sa kanya dahil sa nakikita ko ngayon na concern o may malasakit siya sa mahihirap nating kababayan!

Ulitin ko ulit ang tanong ko noon sa isa kong blog, bakit ang lugar lang ng mahihirap ang pinakikita ng Media na nawawalan ng tubig, so, siguro puno pa ang mga swimming pool ng mayayaman, huwag ninyong sabihing deep well ang gamit nila at hindi ako maniniwala, at bakit walang nakiki-igib ng tubig na naka-unipormeng maid, di ba sila naghuhugas ng pinggan,kaya sure ako na tanging sa mahihirap lang na lugar ang pinapatayan ng tubig!

Tatlong araw ng umuulan sa amin sa Bulacan, pero nag-ka-cloud seeding bago ito mangyari, at sabi galing lang daw ito sa ulap na binagsakan ng yelo, kadami naman yatang yelo niyan at bumaha pa dito sa Manila ngayon na kapos-na-kapos sa tubig, huwag ninyong iinumin kaagad ang tubig ulan mga kababayan ko at baka may acid rain yan, siguradong nagsahod kayo ng malinis na lalagyan pero dapat pakuluan pa din ninyo iyan bago ninyo inumin para sigurado!

Alam ba natin na dapat hindi natutuyuan ng tubig ang Dam? Kung hindi pa ipapaliwanag ko sa inyo!

Nakapunta na ba kayo sa Las Vegas, siguro yung mga taga Maynilad at mga taga Napocor nakapunta na dito....Paligid po ito ng disyerto pero mayroon silang DAM na hindi natutuyuan ng tubig, bihira ang ulan dito ha, at yelo ang bumabagsak kung sakaling uulan, bakit ho hindi nawawalan ng tubig?

Naghukay sila at binaunan ng malalaking tubo na galing sa ibang state na Dam na hindi natutuyuan ng tubig dahil buong-buo pa ang kanilang kagubatan!!!!!

Ano ba ang kinalaman nito sa ating Angat Dam? Ang kagubatan sa Sierra Madre na tabi ng Angat ay nakakalbo na ang kagubatan na wala ng pumipigil sa tubig ulan, na magiipon ng tubig na nagsisilbing talon ng tubig para sa mga panahong tag-init!

Bakit hindi nawawalan ng tubig ang Dam sa Las Vegas, na halos buong taon na tag-init, kayo na ang mag-isip ng kasunod.......kung wala kayong maisip, ako na, walang korapsiyon.....GOD Bless sa lahat ng makakabasa nito na maiintindihan ang mga sinasabi ko!!!
********888********

Mangyari pong I-klik ang larawan ng "Ilog ng Meycauayan" sa itaas upang malaman kung ano ang mga ginagawa ng mga "GUARDIANS" na makakalikasan!

2 comments:

Anonymous said...

KAILANGAN PO TALAGA NATIN NG MGA TAO NA MAG SASABI NG MGA BAGAY BAGY NA NAKA PALIGID SA ATIN DAHIL ANG TULAD KO NA SIMPLENG PAMUMUHAY LNG AT NAG AALAGA LNG PO NG ANAK AY WALANG ALAM SA MGA BAGAY NA GANYAN,NAISIP KO NGA PO BAKIT OURO MAHIHIRAP NGA LNG PO ANG NAKAKARANAS NG KRISIS SA TUBIG?
HAY SANA MAGING PATAS NA PO ANG TURINGAN SA BANSA NATIN

Jaime Leandro Flores Reyes said...

Salamat Pia, lagi ka sanang sumunod sa mga blog na ginagawa ko, at imbitahin na din ang iyong mga kaibigan, kailangan malaman ng ating lipunan ang mga nangyayari sa ating kapaligiran at sa kalikasan!