Created by the "GUARDIANS" : Gentlemen and United Associates of the (Filipino) Race, Dauntless and Ingenious Advocator for the Nation and Society!
Thursday, July 15, 2010
"Isda" o "Sigarilyo"?
Natatakot ba kayong kumain ng isda ngayong panahong ito? Isa pang tanong, natatakot ba kayong tumabi sa isang taong nagsisigarilyo?
Sa isang may-kaya o sabihin na nating mayaman, talagang hindi kakain ng isda ngayong panahong ito dahil tiyak na iisipin na kasama ang mga isdang ibinebenta ngayon ay kasama sa mga namatay na isda na nakuha sa ilog pasig na ibinalita ng Department of Health na masamang kainin. Marami silang pera bakit sila bibili ng isda, samantalang napakaraming laman ang refrigerator na hindi isda o magpatakbo lang sa palengke at makakabili na ng baka o baboy at iba-iba pang pagkain na hindi isda!
Sa isang mahirap o mayaman na nagsisigarilyo, kahit na anong pagbabawal o babala ang gawing ng Department of Health ay tiyak na magpapatuloy ang kanilang paninigarilyo dahil walang substitute o kapalit sa kanyang bisyo!
Ang isang mahirap, kahit na anong babala ang gawing pagbabawal sa isda ngayong panahong ito ay tiyak na kakain at kakain ng isda lalo na kung hindi ito binili at nakuha lang na lulutang-lutang sa ilog gawa ng bagyo!
Ano ang mas delikado sa kalusugan, ngayong panahon ng tag-ulan at pagkatapos ng tag-ulan, pagkain ng isda o paninigarilyo?
Sabi nga, hindi pa nalalaman kung saan ba talaga nakukuha ang kanser, at sabi naman ng iba dahil sa paninigarilyo, pero bakit naman yung mga hindi nagsisigarilyo na nagka-kanser, sasabihin natin yung 2nd hand smoke o yung lagi kang nakatabi sa nagsisigarilyo, pero wala pa din itong batayan!
Kung ang inyong kaibigan ang tatanungin, sasabihin kong ang pagkain ng isda ang mas delikado lalo na yung nahuhuli sa tabang na tubig at sa dagat na malapit sa dalampasigan!
Kung bakit, ito ay dahil sa kadumihan ng ilog at kadumihan ng dagat na lagi nating sinasalaula, nakita ninyo o narinig sa balita ang pagkamatay ng maraming isda na lulutang-lutang sa ilog Pasig, ano ang ibig sabihin nito?
Ang mga isda na nasa "Laguna de Bay" ay napunta sa ilog Pasig na tinatahanan ng naparaming mikrobyo, lason, at kung anu-ano pang kemikal na tinatapon ng mga kumpanya sa paligid nito kaya sila nangamatay, tatagal ba ng isang minuto ang isda pag napunta dito?
Isa sa pag-aaral ng "GUARDIANS Stop Global Warming Foundation, Inc." ang kumuha ng tubig sa ilog ng Meycauayan at subukan ang isang isdang "Gurami" kung tatagal na lumangoy dito, ang lahat ng nanonood sa aming ginagawa ay napanganga dahil ang isdang pinalangoy sa tubig ng ilog ay animo inilubog sa kumukulong mantika, nagkikisay at namatay ng wala pang limang segundo.
Gamit pa din ang tubig ng ilog ng Meycauayan na hinati-hati namin sa apat na bahagi ang aming sinubukang i-treat isa-isa o gamutin at pagkalipas ng tatlong linggo saka pa lang namin nabuo ang "Guardisol" o "GUARDIANS Solution" na siya naming pinang-gamot sa tubig ng ilog ng Meycauayan na aming pinalanguyan sa isang "Gurami" na nanatiling buhay sa maniwala kayo o hindi hangang sa pagdating ni "Ondoy" na pinasok ng tubig baha sa aquarium kaya siguro nakawala at sumama na sa baha, isa po itong "Guardisol" sa mga gagamitin namin sa paglilinis ng ating mga kailogan!
Balik po tayo sa ano ang mas delikado, sa aming palagay, habang marumi pa ang ating mga kailogan at dagat na posibling makapasok sa ating mga palaisdaan, ay aming sasabihing mas delikado ang kumain ng isda ngayon dahil kung dito ka makakakuha ng sakit, lalo na kung kanser, ay posibling anim na buwan na lang ang itagal ng buhay mo, samantalang sa sigarilyo na wala pa namang lubos na pag-aaral liban sa sinasabing may 599 klase ng lason ang nandirito dahil sa mga preservative o pang-patagal ng produkto!
Bakit ba yung mga kababayan natin sa Ilocos na nagsisigarilyo ng walang preserbatibo, di ba umaabot ang mga edad sa nubenta hangang isandaan, kaya dapat siguro paigtingin din natin sa ating bansa ang pagtatanim ng "Organikong Pagtatanim" ng "Tabako" at hindi gumamit ng preserbatibo para naman may substitute o pamalit sa sinasabi nating may lasong sigarilyo, e sa ilog Pasig at Meycauayan, ilan kayang klase ng lason, mikrobyo, at kemikal ang nandirito?
Sagot: Mahigit isang milyon!!!!!!!!!!!
Mangyari pong i-klik ang larawan ng "Ilog ng Meycauayan" sa itaas at hanapin sa "Save Our Nature Videos" page o pahina ang sinasabi naming isda, salamat po!
Paki-sundan na din po ako sa www.facebook.com/gsgwfi at sumali sa grupong "Pagkilos para Sagipin ang Kalikasan sa Pilipinas"!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment