Meycauayan River

Wednesday, July 14, 2010

Tanga ba talaga tayong mga Pilipino?


Maraming makakalikasang Grupo o Assosasyon o Pagkilos (Movement), o Club ang mga nakarehistro sa ating Securities and Exchange Commission at yung iba ay basta na lang isinulpot o ginawa ang kanilang samahan, binigyan ng pangalan at sinasabi na tumutulong sila sa namamatay nating kalikasan!

Kung titignan nila ang sitwasyon ng ating klima sa ngayon, kaya ba ng mga para-parada, pagpatay ng ilaw minsan o dalawang beses isang taon, paglinis ng ilog at magtangal ng basura sa ilog minsan isang taon, sa dagat at napakaraming volunteer ang gumagawa minsan isang taon, pagtatanim ng puno minsan isang taon, tama ba ang kanilang ginagawa, makakatulong ba talaga ang kanilang ginagawa sa namamatay nating kalikasan?

Kung ginagawa lang ninyo iyan bilang pakitang tao, makilala kayo, o sosyalan lang ay maari ho ba na itigil na lang ninyo!!!!!!!!!

Ang pagiging makakalikasan ay dapat nasa sa puso, na kahit walang media, walang tv, at walang grupo o samahan, ay gagawin ang nararapat para sa ating kalikasan, dahil kung wala siya, ang ating kalikasan, ay wala din tayo!

Ang walang habas na pagputol ng ating mga puno sa kagubatan ay hindi na natin mapipigil, dahil ang katwiran ay may mga grupo o samahan naman na makakalikasan na magtatanim, at kamuka't mukat sila din pala ang may negosyo nito, kawawa lang ang mga nagboboluntaryo para makilala ang kanilang samahan, tanga ba talaga tayong mga Pilipino?

Ang walang habas na pagtatapon ng mga kemikal at basura sa mga ilog at dagat, ang katwiran naman ay may maglilinis nito minsan isang taon, dahil may nagbubuluntaryong grupo na samahan na maglilinis nito minsan kada isang taon o dekada, at kamuka't mukat, sila din pala ang mga nagtatapon dito, makikilala nga naman sila kung may media pag nililinis daw nila ito, at mga pondo para dito ay kanila ng maibubulsa kung sila ay lingkod bayan dahil marami ang nagbubulontaryo, alam ba natin na karaniwang naka-kotse ang mga nagtatapon ng mga basura sa ilog at patago pa, tanga ba talaga tayong mga Pilipino?

Sa mga makakalikasang daw na Pilipino, alam ba ninyo na kaya naiipon ang mga basura ninyo sa bahay dahil matagal kung kunin ng mga basurero? Ito ay dahil malulugi sila kung araw-araw o makadalawa o makatlong araw nila kukunin, dahil por kilo ang bayad sa kanila ng mga Munisipyo at malayo ang landfill! May paraan ba dito ang sinasabing mga makakalikasang grupo, kung wala kayong maisip, basahin lang po ang aming website na inyong makikita kung i-ki-klik ninyo ang ilog ng Meycauayan na makikita ninyo sa itaas, tignan ang aming services, at pagtulung-tulungan natin na ito na maisolba, kung ayaw ninyo, sasabihin kong isa kayong tangang Pilipino!

Ang aming Foundation "GUARDIANS Stop Global Warming Foundation, Inc." ay isang mahirap na Foundation, pero sandali lang kung gusto naming yumaman, ganito po iyon, kung magtatayo kami ng kumpanya na kapatid ng Foundation ay magkakaroon kami ng "Profit Organization" at ilalapit namin ang aming mga teknolohiya sa mga munisipyo, siyudad, at mga kumpanya, at kung profit organization ka posibling mapasok ka sa isang "Under the table agreement" na ayaw na ayaw namin, dahil kahit mahirap lang kami, pinipilit naming maging marangal ang aming "Foundation"!

Napakasama ng impression ng mga tao sa "GUARDIANS" na nakilala na mga basagulero, mahilig sa coup deta't, at manglalamang (Hindi po yun totoong GUARDIANS),na naikabit sa pangalan ng aming Foundation, pero hindi naman po lahat ng miyembro nito ay "GUARDIANS", may mga sibilyan din dito na mga doktor, abugado, sayantista, mananaliksik, mga propesyonal, mga pangkaraniwang kawani, at mga estudyante!

At ipinagmamalaki namin na kami ay isang "Non-profit Organization" na nakarehistro sa "Securities and Exchange Commision", sa "Department of Social Welfare and Development" bilang isang ahensiya nito, sa Barangay, sa Sanitary, sa "Meycauayan City", sa "Meycauayan Social Welfare and Development", at sa Bureau of Internal Revenue" na siyang mga kailangan, para makahingi ng tulong sa mga Ahensiya ng Gobyerno, sa mga kumpanya, at sa mga taong may mabubuting kalooban!

At ginagamit din namin ang Labintatlong (13) Philippine Copyrighted, at walong (8) USA Copyrighted Materials para gawing batayan sa pagtulong sa namamatay nating kalikasan, naghihirap na kababayan, at kalusugan ng mamamayan!

Sa ngayon ay itinatayo namin ang "Save Our Nature Philippines Movement" o "Pagkilos para Sagipin ang Kalikasan sa Pilipinas", ito ay upang mapag-isa natin ang sinasabing mga "Makakalikasang Grupo", kung kayo ay aanib sa amin na siyang dapat, ay sasabihin naming tunay ang inyong layunin para sa ating namamatay na kalikasan, dahil araw-araw na implementasyon ang ating gagawin para sagipin ang namamatay nating kalikasan at hihingi tayo ng tulong sa mga kumpanyang may mababait na kalooban ang may-ari, gayundin sa mga kumpanyang naninira ng ating kalikasan at tuturuan natin ng mga dapat gawin para huwag makasira, at bubusisiin natin ang mga pondong nakalaan para dito para naman may pansuweldo tayo sa mga gagawa ng pagbuhay muli ng namamatay nating kalikasan.

O mananatili tayong isang "Tangang Pilipino" kung kalikasan ang pag-uusapan!!!!!!!!

Paunawa: I-klik lang po ang larawan ng "Ilog ng Meycauayan" sa itaas nitong artikulo para makita ang aming website!

No comments: