Created by the "GUARDIANS" : Gentlemen and United Associates of the (Filipino) Race, Dauntless and Ingenious Advocator for the Nation and Society!
Wednesday, July 28, 2010
Bigas, penge ng bigas!
Bigas, penge ng bigas! Nakakalungkot isipin na kung hindi pa nagpalit ng Pangulo ng Pilipinas ay hindi lalabas ang kaimbihan ng mga nanungkulang taong gobyerno, at nakapagtataka din na ngayon lang ito binabantayan ng media, ibig bang sabihin hindi nila ito alam, o takot lang sila sa nakaraang administrasyon?
Apat na milyong pamilya ang hindi nakakakain ng tatlong beses sa isang araw, sa kabila ng napakarami nating likas na yaman, kasama na ang bigas, na tinatanim ng ating mga magsasaka pero ayaw bilin ng mga negosyante ng bigas sa kadahilanang may mas mura silang nabibili sa mga bodega ng gobyerno at naibebenta ng malaking halaga sa palengke?
Kanina, napanood natin sa mga istasyon ng telebisyon ang mga nabubulok na bigas na imbes na naipamigay sa mga kababayan natin noong panahon ni Ondoy ay hinayaan na lang mabulok. Wala bang nakakaalam na talagang hinahayaang mabulok iyan ng mga taong gobyerno para masabing "Not fit for human consumption" at kailangan ng sunugin?
Napakawalang puso ng mga taong ito, natitiis nila yung mga kababayan nilang nakikita nilang walang makain dahil masyadong mahal ang mga bigas sa palengke, bakit hindi na lang ibenenta ng mura o ipinamigay ng sa gayun kahit paano nakakain naman ng tatlong beses isang araw yung mga kapus-palad nating mga kababayan?
Pero bakit nga ba hinahayaang mabulok, nakakapagtaka ano po, isipin ninyo.....wala kayong maisip, ako mayroon pero ito ay haka-haka lang at maaring hindi pa din totoo..
Ang bigas na inaangkat ng gobyerno ay maaring dalawang klase, isang malapit ng bulok na talaga at isang murang bigas na maganda na siyang ibebenta naman sa mga katabing warehouse na siya namang nagbebenta ng mahal sa mga palengke.
At yung mga malapit ng mabulok na talaga na halos ayaw na ding kainin ng mga tao ang sila nilang ibenebenta sa mahihirap nating kababayan, ke bilin o hindi may kita sila, bakit ho ba may kita, may kita na sa overprice, may kita pa sa pagsunog, un-reliable source ang natangap namin galing sa isang lugar sa Visaya, ang sinusunog ay kalahati ipa, nakatago ang kalahati para pamalit sa susunod na shipment, aray ko.....
Sa pagpasok ng bagong administrasyon ni P-Noy, inaasahan ng mahihirap nating mga kababayan na hindi na mangyayari ang mga ganitong sistema, at kailangan na din na tumulong tayong mga kababayan ko na may puso pa at damdamin para sa mahihirap nating kababayan, tulungan natin sila, at kung ano ang nakikita natin na ginagawang pang-aabuso ng mga taong gobyerno ay i-report natin kay P-Noy, di ba sabi niya kayo ang Boss ko!
Ang mga kababayan nating mahihirap ay tao din na dapat din nating bigyan ng importansiya, katulad ng mga hayop gubat na gusto nating mamalagi sa kagubatan, dahil sila ay nabibilang din sa ating kalikasan.....
Mangyari pong i-klik ang larawan ng "Ilog ng Meycauayan" sa itaas nito para sa mga karagdagang impormasyon!!!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 comments:
Maganda ang blog mo na ito kaibigang Jim.
Maraming nakakaalam ng mga problemang iyan lalo na sa media kaso lang takot din yata silang magexpose nyan dahil sa panganib na nakaamba sa kanilang buhay pag ginawa nila ang pagsisiwalat. Ilang journalist na ba ang natigok na hanggang ngayon ay di pa nasolve? Hawak ang lahat sa leeg ng Administrasyong Arroyo ang lahat noon. Alam nila na mali subalit wala silang lakas na gumawa ng hakbang upang ito ay ipalabas. Ang nagsasabi ng totoo di ba ay sya pang ginagawang sinungaling ng nakaraang administrasyon? Kinukulong, pinagbabantaan? Minsan nga katulong pa ang mga media sa pagsasagawa nito dahil na rin sa pera at pananakot. Mas masahol pa sa tiyempo ni Marcos kung saan ang ating bansa ay kinikilalang isa sa pinakaunlad na bansa sa Asya, asan na tayo ngayon? Nasa kulelat at naghihingalo dahil sa pagkaubos ng ating kabang yaman, dahil sa korupsyon ng nakaraang administrasyon. Walang awa at matigas ang kalooban ng nakaraang presidente na mas pipiliin pa na mabulok ang bigas sa warehouse kaysa pakikinabangan ng mga taongbayan. May alingasngas na noon pa sa Visayas noong bise presidente pa lang si Gloria, na ang utak ng rice smuggling ay ang FG Arroyo subalit walang nagkalakas loob na ihayag ito dahil sa takot na manganib ang kanilang buhay. Kaya nga siguro minadali nila noon na maagaw ang gobyerno kay Erap dahil marami silang gustong gawing kabuktutan sa gobyerno. If you recall ang sabi ni Gloria noong nagpeople power ayaw nyang maging presidente subalit ng panumpain sya ni Davide ay nanumpa sya sa gabay ni Cardinal Sin.
Sana matuldukan na ang lahat ng mga iyan at magbago na ang sistema ng ating pamahalaan sa pamumuno ni Pnoy. Magtulungan na lang po tayong mga Pilipino para maiahon natin ang ating bansa sa kahirapan. Di po kaya ni Pnoy na magisa ito.
Mabuhay po kayo at sanay patuloy po ninyo na gisingin ang natutulog na damdamin ng ating mga kababayan.
Salamat Danny, sana ang lahat ng makakabasa ng mga blog ko katulad mo, ewan ko ba sa mga kababayan natin, wala naman akong ginagawang hindi tama sa pagkakaalam ko dahil para din sa kanila ito, pero maraming nagagalit sa akin, natutuwa naman ako at mas marami ang natutuwa at isa ka na doon, sana nga magbago na ang kalgayan ng bansa natin sa pamamagitan ni P-Noy, at sa tulong na din nating alam ang mali at tama, mabuhay ka Danny, GOD Bless!
Nais mo bang bumili ng Bato o nais mong ibenta ang iyong
bato? Naghahanap ka ba ng isang pagkakataon upang ibenta ang iyong bato para sa pera
dahil sa pagkasira ng pananalapi at hindi mo alam kung ano
gawin, pagkatapos ay makipag-ugnay sa amin ngayon at bibigyan ka namin ng mabuti
halaga ng pera $ 500,000 dolyar para sa iyong Kidney. Ang pangalan ko ay Doctor MACPHERSON
isa akong Nefologist sa MACPHERSON CLINIC. Ang aming klinika ay
dalubhasa sa Kidney Surgery at nakikipag-ugnayan din kami
pagbili at paglipat ng mga bato na may buhay na isang
kaukulang donor. Kami ay matatagpuan sa Indian, Turkey, USA, Malaysia, india
Kung interesado kang magbenta o bumili ng kidney mangyaring huwag
mag-atubiling makipag-ugnay sa amin sa whatsapp +33751283487 at sa pamamagitan ng email.
Email: doctormacphersonclinic@gmail.com
Pinakamahusay na Regards
DR MACPHERSON.
Post a Comment