Meycauayan River

Wednesday, July 21, 2010

Bato-bato sa langit ang tamaan huwag magagalit!


Bato-bato sa langit ang tamaan huwag magagalit! Huwag po sanang magagalit ang tatamaan nitong bago kong blog na ginawa ko ngayong Hulyo 22, 2010, dahil ginagawa ko lang naman ito dahil na din sa awa at pagmamahal ko sa ating mga kababayan, marami dito ang tiyak na tatamaan!!!!!!!!

Kung napanood ninyo ang balita kagabi tungkol sa kakapusan ng tubig at isa kayo sa marunong magmahal sa inyong mahihirap na mga kababayan ay sasabihin ninyong ito ang pinakawalang kuwentang balita na napanood na ninyo!

Bakit ho, basahin ninyong mabuti ito, at kung namamali ako ay magkomento kayo dahil gusto ko din na may mag-kokorekta o nag-aayos ng mga sinusulat ko!

Umpisahan po natin ang balita sa may batasan, bakit nauna pa ang media sa pagdating ng tangke ng tubig na dala-dala ng trak para maipamahagi daw ang tubig sa mga taong walang tubig sa bahay. Kung nakarating na kayo sa tapat ng Kongreso, bihira ang mahihirap diyan dahil ang tapat niyan ay opisina ng DSWD, at medyo malayo ang lugar ng mahihirap, bakit doon nila ginawa ang pamamahagi, para sirain na naman ang SONA ng bago nating Presidente?

Isa ako sa dating ayaw kay Presidente NoyNoy, pero dahil sa nakikita kong ginagawa at malasakit sa mahihirap niya ngayon, unti-unti na akong naeenganyo na sumoporta sa kanya, bigyan pa natin siya ng konting pagkakataon, huwag natin siyang sirain sa mga binabalak niya!

Bakit puro yata bago ang malalaking plastic na drum ang dala-dala ng sinasabing mahihirap, kaya ba nilang buhatin ito kung puno na ng tubig sa kani-kanilang bahay, medyo may kalayuan din siguro ang kanilang bahay sa Batasan at hindi tiyak na ito ay isasakay ng tricycle, kung may pumayag man paano, sino kaya ang bumili ng malalaking drum, media o Napocor, o Maynilad?

Punta naman tayo sa Malabon, na sinasabing sinira ng mga tao ang tubo ng tubig, ano ba talaga ang problema, kapos ang tubig o may ginagawa ang Maynilad sa lugar nila o sadyang Pinigil ang tubig?

Abot naman pala ang tubig doon e bakit pipigilin ang pagdaloy, at tama lang na sirain nila ang tubo dahil ang tubig ang nagpapatagal ng buhay, nakita nila na may tubig doon e di kunin, ke nakaw na sabihin iyan e kinakarga lang naman sa system loss ang mga nawawala di ba, at bakit ayaw humarap ng mga kontraktor sa media, dahil mabibisto sila na pinipigil nila ang pagdaloy ng tubig at wala naman silang ginagawa doon, kung sakaling may ginagawa man, mas mahalaga pa ba ang kanilang ginagawa para pigilin ang tubig kesa sa buhay ng mga bata, mga maysakit, mga walang mainom sa bahay, alam ba ng mga hayop na ito na ang tubig ay katumbas ng buhay????????

Wala na ba kayo talagang pakikipag-kapwa tao, may damdamin ba kayong tao, tao ba kayong naturingang mga ha... kayo????????

Punta tayo sa "Angat Dam", nakita ninyo yung sinasabing moist daw ng isang "Engineer" yung ke lakas na lakas na tubig na pumupunta sa Ipo Dam at papunta sa Balara at ipinakakalat sa Manila, engineer ba ito o hingi-neer, e kaya pala ng moist e bakit may pa-cloud seeding-seeding pa, painitan na lang yung lugar na nagkakaroon ng tubig tiyak na makakatipid pa, isang posporo lang katapat niyon, huwag naman ninyong gawing tanga ang lahat ng Pilipino!!!!!!

Kung magtataas lang kayo ng presyo ng tubig o ibebenta ang "Hydro Electric Power Plant" o kung anuman ang balak ninyo at pinalalabas ninyo na hirap sa tubig ang Metro Manila, matakot naman kayo sa Diyos, hindi ninyo ba alam kung ilang buhay ang maapektuhan niyang pinag-gagagawa ninyo, malapit na silang mag-away-away, naghahatakan na ng hose dahil mahal nila ang mga bata at mga maysakit nilang kamag-anak na hindi makakainom ng tubig, ano ang maaring kasunod nito????????

********888********

Sa aking mga kaibigang makakabasa nito, mangyari pong i-klik ang larawan ng "Ilog ng Meycauayan" sa itaas nito upang malaman ko naman kung may nagbabasa o ilan ang nagbabasa ng aking mga ginagawang blog, at i-share lang po sana ito sa inyong mga kaibigan! Sa mga hindi ko pa kaibigan sa facebook.com, hanapin lang po sa inyong google search ang http://www.facebook.com/gsgwfi , salamat po at GOD Bless!

11 comments:

Anonymous said...

Good morning sir. Ako po ay nagugulat sa mga kumento po ninyo na puno ng galit. ingat lamang po sa pagbitaw ng salita na may gustong sumira sa SONA ng pangulo lalo na po kung wala po kayong ebidensya at sa "circumstances" po kayo nagbase. Totoong may krisis sa tubig, di mapagkakaila ito. Nakita naman po sa TV ang baba ng Angat dam, isang malaking source ng tubig sa MM. Mapalad po kami na may tubig pa po kami kahit may mga lupang lumalabas na, na kailangan pang salain. May mga ilang subdibisyon ang nahaharang ang tubig dahil sa ganid ng mga pribadong kontraktors. Ang krisis sa tubig sa metro manila ay totoo po ito at di gawa-gawa. may mga ilang kababayan natin tatlong linggo na walang tubig.

Jaime Leandro Flores Reyes said...

Salamat, Lady Green, alam mo naawa lang talaga ako sa ating mga kababayang mahihirap, kaya siguro puno ng galit ang nararamdaman ko, lagi na sila ang nagdurusa kung may mga pangyayaring katulad nito,hindi ko alam kung nabibilang ka sa media, sa Napocor o sa Maynilad, ngayon kung mali ang pagkakaintindi mo sa sinulat kong gustong sirain ang SONA ng Presidente, baka mali ang pagkakaintindi mo, sa SONA tiyak babangitin ng Pangulo na hindi totoo ang kakapusan ng tubig dahil siya mismo ang tumingin sa Angat ng Problema ng Dam, at nalaman niyang ang may problema yung mismong Dam at hindi ang kakulangan ng tubig ulan, wala akong binangit dito na lulusubin ang kongreso at pipigilin ang SONA dahil kung sino man ang gagawa noon sobrang tanga niya, at kung sabi mo wala ako ebidensiya nagkakamali ka, kung ang pagpigil ng tubig ang pinalalabas ko dito, kung isa kang media, o Napocor o Maynilad, ano ang paliwanag mo sa aking mga kababayan na taga Meycauayan at Obando na halos apat na taon ng pinapatayan ng tubig gabi-gabi mula 9 ng gabi hangang alas kuwatro ng umaga, mabuti na lang hindi nagkakasunog dito ng ganitong oras, at kami ang may pinakamalaking bayad na 39 pesos kada metro kobiko sa buong Mundo, ngayon lang ang krisis na sinasabi ng mga Media, Napocor, at Maynilad ha, ano ang paliwanag ninyo doon? At karamihan ng sinasabi ko dito hindi lang ako ang nagsasabi, binibigay din lang yan ng mga kaibigan nating GUARDIANS, so pagiingatin ko din ba sila????????

Taga Greenpeace ka ba Ms. Lady Green, bakit kayo umalis doon sa Angat????????

ronraf said...

Nagtataka lang ako kung bakit sinasabing may krisis daw ng tubig sa pilipinas...
ang pilipinas po ay isang bansang mayaman sa likas na tubig, napakaraming ilog, bukal, batis at karagatan sa paligid ng ating bansa...pero bakit isa rin tayo sa pinakamataas ang singil sa tubig?...at bakit lagi rin tayong may krisis sa tubig?...dito po sa saudi arabia, isang disyertong lugar, pero wala kaming nararanasang krisis sa tubig ao ano mang uri ng kakapusan sa tubig...kahit na walang ilog, bukal o batis dito...SAGANA KAMI SA TUBIG KAHIT SA GITNA NG DISYERTO!...
Ginagawa bang gatasan ng mga malalaking negosyante ang pinakamahalagang elemento ng buhay?, at walang ginagawa ang ating gobyerno para pigilin ito?...naghihirap na po ang nubenta porsyento ng ating mga kababayan, wag naman na po sana nayting dagdagan...MATAKOT KAYO SA IMPYERNO!

ronraf said...

may sabwatan ba sa pagitan ng gobyerno ng pilipinas at sa mga kapitalistang nagmomonopolyo ng tubig sa metro manila?...

"MATAKOT KAYO SA IMPYERNO!"

Unknown said...

hindi po ako sang-ayon sa komento nyo na tama lang na sirain ng mga tao ang mga tubo para makakuha ng tubig... kawalan ng disiplina parin ang nakikita ko sa pag igib ng mga taong nawalan ng tubig... totoo po nakaka awa sila pero di parin sapat na rason para sirain nila ang mga tubo... kahit sa panahun ng krisis disiplina parin ang kailangan para di gaano maramdaman ang hirap nato. at sa presidente nyo, anu po ba ginagawa nya sa ngayun para matugunan ang krisis na to? o baka busy lang sya sa mga wangwang... hehehe

Jaime Leandro Flores Reyes said...

Good pm Boy, ok ako sa sinabi mo na hindi ka sangayon sa pagsira ng tubo, ako hindi din sangayon, pero ang naiisip ko, kung tayo kaya ang nasa kalagayan nila, na iyak ng iyak ang anak mo dahil wala ka man lang maipainom na tubig kung hindi man gatas na kailangan din haluan ng tubig, o mayroon sa inyong maysakit na kailangan laging umiinom ng tubig at nag-eebak, at marami pang dahilan katulad ng ang hugasin mong pingan na puro ipis na dahil hindi nahuhugasan, at pagkatapos makikita mo na may tubig naman pala at pinipigil lang ng mga kontraktor, ano gagawin mo?

Sabihin na nating kunwari nasa isang disyerto ka na uhaw na uhaw at alam mo na may daraang truk na puno ng tubig ang laman pero alam mo din na hindi ka titigilan, di ba hahanap ka din ng paraan para ito pigilan, ganyan ang nakikita ko sa mga taong ito na nagaaway sa tubig, pero hindi mo sila masisisi dahil gusto din nila mabuhay!

Sabi ko nga, ayaw ko kay NoyNoy noong hindi pa siya Presidente, at bina-blog ko din sa facebook ang mga kahinaan niya, pero Presidente na natin siya ngayon, kaya dapat galangin na natin at ipagtangol kung sakaling may maninira sa kanyang mga ginagawa, sabihin na natin busy siya sa wangwang, pero malaki ang nagawa nito na pigilan ang mga abusadong tao na akala mo kanila ang daan, mga retirado ng pulis pero huwag kang haharang sa daraanan nila at tiyak wawangwangin ka, ngayon ba nagagawa nila iyon, hindi na di ba?

Jaime Leandro Flores Reyes said...

Good PM ronraf, tama lahat sinabi mo, pero ito ay noong panahon ng dati nating Presidente, ngayon nakakaawa ang Presidente natin, parang nahihirapan siyang kontrolin ang mga Oligarch na ito na hindi natatakot sa Impiyerno, kahapon ng umaga sinasabi ng Malakanyang na walang krisis sa tubig, kanina sa news, sabi ng isang kabinete niya may krisis at ipahuhuli daw ang mga naninira ng tubo, ang nagsasalita, galing Maynilad, kawawa talaga ang bansa natin!!!!!!!!

Anonymous said...

medyo di yata tumbok sa totoo ang sinabin mong pinakawalang kwentong balita ang pagrarasyon sa tubig sapagka't itoy gawagawa lamang ng ibig sumira sa MAHAL MONG PANGULO.
Parang naniniwala ka kay Noynoy nang sinabi niyang WALANG WATER CRISIS sa Maynila.

Sa palagay ko ay ang WANGWANG ang walang kwentang balita mula noong June 30.

Unknown said...

ang mga pinatatanggol mong taong naninira ng tubo ng tubig ay sila rin mga taong nagnanakaw ng tubig kahit walang krisis sa tubig... at ito ang binabayaran nating system loss... di katwiran na dahil gutom ka o nauuhaw ay dahilan na yun para gumawa ng kasamaan para maibsan lang ang pangangailangan... yan katwirang yan at pag uuugali kaya di umuunlad ang pinas... yan ang madalas na excuse ng karamihan "mahirap lang kame"

Jimi said...

IMO... parang monopolyo ito ng mga negosyante o gaya ng sinabi ng iba rito na nahaharang ng ibang kontratista para di sila masira sa kanilang mga subdibisyon na kanilang hawak...

at gaya rin ng mungkahi o opinyon ng iba eh nasa disiplina rin ng tao ang tamang paggamit ng tubig...

eto lamang po lamang ang magiging suwestiyon ko ukol dito...
1. bakit di magdagdag ng 'Dam' para kapag sa darating ang ulan o tag-ulan ay di aapaw ang ibang 'Dam'o di sila magpapakawala ng tubig na pupuwedeng magamit sa panahon ng tag-init...
2. bakit di magkaruon ng mga mga malalaiking tubo na magkakonekta ang kada-Dam? halimbawa, Dam1-Dam2-Dam3-Dam4... kapag nagkualng ang isang Dam eh pupunuan ito ng ibang Dam para di ito matuyuan... di ko lang siguro kung may ganito na.
3. drink beer to conserve water! joke!

have a nice day!

Jaime Leandro Flores Reyes said...

Sa mga kaibigan ko na mukhang nagagalit sa akin, di na ko sasagot sa inyo at parang iba interpretasyon ninyo sa blog kong ito, isa lang naman kayo dito tiyak, media, napocor o maynilad o kaya kontraktor, maawa naman kayo sa mga kababayan ninyo, pakiusap lang po!

tukayong jimi, mabuti ka pa kahit nakatalikod may litrato, harap ka naman. Alam mo talagang balak na yang sinulat mo na magkaroon ng mga dam na magdurugtong-dugtong, kaya lang kahit may pondo na nawawala, di ko alam kung ano pa susunod kong sabihin....mahirap pala itong mag-blog, kilala ka pero yung kakalaban sa iyo ayaw magpakilala...sorry ho sa tinamaan ng bato galing sa langit...