Created by the "GUARDIANS" : Gentlemen and United Associates of the (Filipino) Race, Dauntless and Ingenious Advocator for the Nation and Society!
Wednesday, September 15, 2010
Bakit maraming nagagalit sa makakalikasan? (Part-2)
Bakit maraming nagagalit sa makakalikasan? (Part-2)
Sa araw na ito, September 15, 2010, ay tiyak na mas maraming magagalit sa makakalikasan dahil sa aking sinusulat na artikulo, sa ganang akin bilang isa sa tinatawag na makakalikasan (Environmentalist) ay sasabihin ko sa inyo na magalit na kayo sa akin dahil isusulat ko ito para sa aking mga kababayan at hindi ako natatakot kahit na ano ang gawin ng magagalit sa isang tunay makakalikasan!
Kung ikaw ay isang tunay na makakalikasan na nagmamahal sa iyong kapwa ay taos puso kang tutulong sa iyong mga kababayan at isa sa pagiging makakalikasan ay humanap ng mga likas na bagay na alam mong makakatulong sa iyong mga kababayan dahil nalalaman mo na sila ay nabibilang din sa mga likas na nilalang......
Ano ba ang problema natin ngayon, hindi ba ang sakit na dengue na naparami ng napipinsalang kalusugan at magkaminsan ay buhay.....ano-ano ba ang mga binibigay na mga sulosyon ng mga kinauukulan, sa aking palagay wala liban sa magbomba ng pamatay lamok na ang usok ay nakakasira din ng kalikasan, at ang magbigay ng mga paalala na ang mga tubig na naiimbak ay itapon o alisin sa inyong pamamahay dahil dito daw ay pinamumugaran ng mga lamok na sanhi ng dengue, at tignan kung may lagnat ang bata at kung dalawa hangang tatlong araw na hindi nawawala ay kailangan ng dalhin sa ospital, maraming sumusunod dito pero ang tanong bakit mayroong namamatay?
Minsan ko ng inilathala sa facebook.com na ang tawa-tawa, papaya, at saging na dahon ay maari talagang nakakataas o nagpapadami ng platelets ng isang pasyente pero bakit papasok sa isang mapanganib na pamamaraan, na kung nasa ospital na at dumurugo na ang ilong saka natin ito paiinumin ng katas ng dahon nito, hindi ba natin na naiisip na maari pa iyong komontra sa mga gamot na ibinibigay ng doktor?
Ang sakit na dengue na galing lamok ay hindi mawawala sa ating bansa "HANGANG" may maruruming kanal, pusali, ilog, at kapaligiran, kaya ang aking ipapayo sa inyo ay gumawa ng pangontrang bagay para ito "MAIWASAN", intindihin ninyong mabuti, para umiwas at hindi gumamot, ulitin ko ulit at baka hindi ninyo maintindindihan kung minsan ko lang isusulat, ito ay para "UMIWAS" at HINDI PARA GUMAMOT!!!!!!!!!!!!!!
Ang inyong mga anak ay posibling may kaklase, kaibigan, kamag-anak, at kakilala na nagkasakit na ng dengue kaya nandiyan lang sa tabi-tabi ang mga lamok na nakakagat sa nagkasakit at maaaring anytime ang inyo namang anak ang magkasakit, kaya habang maaga ay pilitin nating makagawa ng isang bagay na aking ituturo ngayon para magsilbing pangontra sa sakit na ito....
Sabi ko sa komento ko noong isang araw sa facebook na kahit na anong food supplement basta ang mga ensema (Enzymes) ay buhay ay kailangan ninyong painumin ang inyong mga anak para pangontra sa Dengue na ewan ko kung may sumunod dahil ang katwiran yata hindi nila alam kung anong brand ang binabanggit ko dahil sabi ko any brand.....
Ngayon para huwag kayong malito, ganito nalang gawin natin, "Make your own food supplement" o "Gumawa ng sariling tulong sa pagkain", ang pagkain ang isa pang dahilan kung bakit napakaraming sakit ang nauuso at naiimbento, mga kemikal na pagkain na posibli ding pinangagalingan ng sakit na Dengue....walang makakapagsabi kaya posible......
Tatlong sangkap lang ang ating paghahalo-haluin, hindi na kailangang ilista dahil nandiyan lang ito sa tabi-tabi.....kumuha ng 100 gramo ng lemon o kalamansi, 100 gramo ng carrot, at isang litro ng sabaw ng niyog.
Hugasang mabuti ang carrot at lemon o kalamansi, at kasama ang balat na ilagay sa blender at pinuhin mabuti ang dalawang sangkap, ihalo sa isang litrong sabaw ng niyog at haluing mabuti, salain pagkatapos at huwag tatakpan ang bote at ilagay sa malamig na lugar sa inyong bahay......huwag munang iinumin at hayaan munang mabuhay ang mga ensema ng tatlong sangkap na ito ng isang araw o 24 na oras, pagkalipas ng 24 oras at saka lang ito ilagay sa refrigerator at puwede ng ipainom sa inyong mga anak.....pilitin silang makatlong kutsara araw-araw, walang susunding oras kung hindi tatlong kutsara at maaring pagsabay-sabayin...
Ulitin natin ulit, hindi ito nakagagamot, ito ay nakakaiwas lang sa Dengue, bakit ko ito ipinipilit na ito ay inyong gawin, dahil mahal ko ang mga kababayan ko at ayoko silang mapapahamak........tiyak na marami na naman ang magagalit nito sa akin, dahil ang iba nating kababayan ay gustong maraming napapahamak dahil sa kanilang negosyo o pinag-aralan, mangilabot naman kayo at matakot sa ating panginoong Diyos!
Sa mga nagdududa sa aking isinulat, pumunta lang po sa wikipedia at i-research ang tatlong sangkap na ito, ang sabaw ng niyog ay may kaunting VCO na nakakatulong din para makaiwas sa Dengue, at ulitin natin ulit.....hindi ito pang-gamot, kundi pang-iwas lang, at kung gagawa kayo nito, bigyan na din ang mga bata sa inyong mga kapitbahay......salamat sa mga nagbasa at pagpalain nawa ng ating "Panginoong Diyos" ang mga bata nating kababayan at ang ating bansa....
Dalawa pang paalala, kung may lagnat ang inyong anak, kumuha ng lastiko o garter at ilagay sa braso ng bata ng mahigpit na pipigil sa kanyang dugo,pagkalipas ng tatlo hangang limang minuto ay pakawalan ang garter, tignan kung may parang butlig na bilog-bilog sa braso ng bata, at kung sakaling mayroon, huwag nang intayin pa ang dalawa tatlong araw, pumunta na agad sa pinakamalapit na ospital.....ang kulang sa kaalaman ang nakakapinsala kaya dapat maging alerto kayo ngayong panahong ito....
Ang aming pong isinulat na kombinasyon sa pag-gawa ng "Food Supplement" ay iba sa aming produktong "ES-VCO Extract" at "BIO-ALCA VIRGIN OIL" na inilalaban namin na tunay na nakagagaling ng karamdaman, pero hindi pa din naman ito isasapalaran sa sakit na Dengue.....mas mabuti na umiwas sa sakit na ito kesa pagalingin.....at hindi namin kailangan ang pera, ang nais namin ay makatulong.....
KILOS NA HABANG MAAGA......
I-share o ikalat na din po ang blog na ito sa inyong mga kaibigan, salamat po at GOD Bless....
Jaime Leandro F. Reyes
Chairman - Guardians Stop Global Warming Foundation, Inc.
I-klik lang po ang larawan ng ilog Meycauayan para sa mga karagdagang impormasyon...
Saturday, August 21, 2010
Bakit maraming nagagalit sa makakalikasan?
Bakit maraming nagagalit sa makakalikasan?
Bakit nga ho ba dito sa ating bansa ay maraming nagagalit sa makakalikasan? Gusto ho ba ninyo na isa-isahin natin?
Umpisahan natin sa pagkain, kung isa kang makakalikasan ay alam mo na yung mga kinakain mo ngayong gulay at prutas ngayong panahon ito ay nabuhay sa pamamagitan ng mga kemikal o abonong kemiko, nagamitan ng mga kemikong pamatay insekto at mga preserbatibo na alam mong nakakasira ng ating kalikasan. At kung ito ay alam mo at manghihimok ka ng mga tao na bumalik sa pagkain ng mga organiko, ay tiyak na maaapektuhan mo ang mga gumagawa ng mga kemikong abono,pamatay insekto, preserbatibo, at yung mga nagtatanim ng mga gulay at prutas na ginagamitan ng kemikong pataba ay tiyak malulugi kung wala ng bibili nito!
Alam ba natin na kahit saang sulok ng mundo ka pumunta, na ang mga tinatanim ng mga magsasaka na ginagamitan ng kemikong abono ay hindi nila kinakain? Ang kinakain nila sa kanilang mga pananim ay yung mga ginamitan nila ng mga organikong abono para nakasisiguro silang hindi ito makaka-apekto sa kanilang kalusugan, tama ba o mali?
Alam ba natin na kahit isa kang vegetarian o isang nilalang na hindi kumakain ng manok o baboy kung hindi prutas at gulay ay posible kang magkaroon ng kanser sa panahong ito? Ito ay dahil nga sa ating mga kinakain na may kemikong abono, kaya sino pa ang magagalit sa makakalikasan kung ibabalik natin ang sistema ng sinaunang pagtatanim, di ba ang mga manggagamot, wala silang magiging pasyente na sisingilin nila ng katakot-takot na halaga kahit hindi nila magamot dahil iyon ang kalakaran. Magkasakit ka at mamatay ka sa aking pangangalaga ay walang halaga sa akin dahil ang kailangan ko ay pera, at dito ako binabayaran, gumaling ka man o hindi!
Sa mga may hardware o nagtitinda ng mga kahoy na ginagawang mga gamit sa bahay o kaya mismong bahay na, isa sila sa magagalit sa iyo kung ipatitigil mo ang pagpuputol ng kahoy sa kagubatan. Sa mga pumuputol ng punungkahoy o lumberjack, di ba mawawalan sila ng hanapbuhay kung patitigil mo ito, yung mga may-ari ng trosohan, yung mga nagbibigay ng permit para magputol ang punong-kahoy na sila nilang pinagkakakitaan, di ba magagalit din sila sa makakalikasan!
Sa mga kontraktor at mga mayor ng mga siyudad, subukan mong pakialaman ang kanilang mga basura at tiyak magagalit sa iyo, mentras marami ang basura ay mas lalo silang natutuwa, bakit kanyo? Kung hindi ninyo alam ay mas maganda siguro na tanungin ninyo sila!
Sa mga nagmamantina ng mga imbakan ng basura o landfill, subukan mong huwag iyong tapunan ng basura ay tiyak na magagalit sa iyo,dahil ito ay negosyo, at wala kang karapatang ipatigil ito kahit na nakakasama ng kalikasan dahil ito ay aprobado ng mga kinauukulan na mga sakim sa p...!
Sa mga pabrikang walang habas na nagpapakawala ng mga basura at kemikal sa ilog, bakit ho ba hindi ito masawata, kaya mo ba itong pigilin bilang isang makakalikasan? Ito pa din ang isang problema, sasabihin lang sa iyo, nakapasa sila sa ECC o Environmental Compliance Certificate kahit na inuuod na ang kanilang itinatapon!!!!
Saan ka pa bilang isang makakalikasan, daming magagalit sa iyo pag pinigil mo ang mga ito ano?
Mahirap maging isang tunay na makakalikasan, kailangan nasa puso mo ito, damdamin at kaluluwa, at kailangan din na maging matapang ka na lumalaban sa mga naninira nito, pero paano kung wala kang kakampi, na halos lahat na ng tao sa buong mundo ay mga naninira na ng ating kalikasan,at nag-iisa ka na lang, wala silang pakialam dahil dito sila nabubuhay at malaking kawalan para sa kanila kung ito ay iyong pipigilan,sanay na sila dito, at ito ay kalakaran ngayong panahong ito, tumigil na lang ba dahil wala kang kalaban-laban?
Pero napakadami pang paraan, huwag kang sumuko sa iyong naumpisan, lalo na ngayong ang bago nating Presidente NoyNoy ay tumututok dito sa ating kalikasan, may kakampi ka na, kami, tayo, liban na lang kung isa kang pekeng makakalikasan at makakalaban mo din kami?
Alam ninyo po ba kung sino ang pekeng makakalikasan, ito po ang mga taong wala ng iniisip kung hindi gastusin ang mga pondong nakalaan para sa ating kalikasan na wala namang ginagawa, kung hindi ninyo alam kung sino-sino ito, mag-obserba na lang kayo, makinig ng mga balita, manood ng TV, at kalaunan ay malalaman din ninyo, dahil malapit na silang mabuko!
Idagdag pa natin ito, ang mga grupong makakalikasan daw na nanghihingi ng donasyon sa mga kumpanya pero wala naman alam gawin kung hindi gumawa ng event na pangkalikasan minsan isang taon, na lubos na ikanatutuwa ng mga kumpanya, bakit ho ba nagkaganoon, dahil hindi sila nagbibigay ng resibo o katunayan na tinangap nila ang ganuong halaga,kaya ang mga kumpanya ay nai-komersiyal na tumubo pa dahil ito ay ipang-babawas nila ng buwis ng sobra-sobra sa pagbayad sa ating gobyerno. Kaya kung ikaw ay isang tunay na makakalikasan na legal sa lahat ng bagay, katulad ng mga lesensiya sa Siyudad, BIR, at DSWD, tiyak na maraming magagalit sa iyo.....dahil makakagalit mo din sila....saan pa tayo ba talaga patungo????????
Salamat po sa pagbasa at nawa'y pagpalain ng ating "panginoong Diyos" ang ating bansa, at bigyan pa tayo ng pagkakataon na makabawi sa mga kasalanan natin sa ating "Inang Kalikasan" na siya ang may-gawa!
Makakalikasan
Ang lathalaing inyong nabasa ay isasama sa aklat na "Sagipin ang Kalikasan sa Pilipinas!
Mangyaring i-klik ang larawan ng Ilog Meycauayan para sa karagdagang impormasyon!
Wednesday, August 4, 2010
Composting Machine, Isa din akong tanga, ika'tlong bahagi
Composting Machine,Isa din akong tanga - Ika'tlong bahagi. Kung kayo ay nagbabasa ang aking mga blog, siguro ito na ang huli kong isusulat na isa din akong tanga at baka maniwala kayo sa akin e hindi na kayo magbasa ng mga blog ko. Sa mga susunod kong blog, huwag po kayong magagalit pag tinatamaan kayo ng salitang tanga, at least "tanga" lang ang walang ospital at kulungan kaya hindi masyadong masakit pakingan.
Sa nakaraan kong blog, sa sulat ko sabi ko tatalakayain ko ang dalawang kumpanya na aking ginawa na hindi ko na binuksang muli dahil sa kasakiman ng mga taong aking nakakausap ay mabuti pang huwag na lang ituloy ang operasyon, at magsimula ulit sa Foundation, may kinalaman ito sa aking mga ginagawa ngayon kaya huwag bibitaw, please....
Ang ating tatalakayin ngayon ay tungkol sa Composting Machine, Made in Korea!
Sa una kong kumpanya na itinigil ko ang pangongontrata sa pagkakabit ng telepono at sinubukan ko kung mapagtutugma ko sa aking services o serbisyo ang mga gamit para sa ating kalikasan, taong 2002 ay kinontak ko ang mga kumpanyang nasa Korea ang mga gumagawa ng "Composting Machine", ito ay ini-refer ng mga kaibigan kong mga enhenyerong Koreano at dahil may kumpanya naman ako ay sinubukan kong kontakin, at pinalad naman akong naka-kontak ng isang kumpanya na nagmagandang loob na pumunta pa sa ating bansa at tignan ang katayuan ng ating mga basura, nagkaroon kami ng series of the meeting at isinama ko pa sila sa San Pablo, Laguna upang tignan naman ang inererekomenda kong coco peat, na napakagandang isama sa basura para makagawa ng organikong abono, napaniwala ko naman sila at nagkaroon kami ng kasunduan,
magpapadala sila dito sa bansa natin ng makina at ako naman ay magpapadala ng coco peat sa kanilang bansa!
Pagkaalis nila, gumawa na ako ng mga letter of intent at ikinalat namin ng aking mga kasama sa mga munisipyo sa Bulacan dahil kailangan munang makapag-order ako ng makina bago ko ayusin ang coco-peat, sa awa ng demonyo walang sumagot at pumatol sa amin at kailangan yun daw administrador ang kausapin namin, yun lang ang pasabi at mapagusapan yung alam nyo na, so hindi ko pinatulan dahil magkakaroon ng under the table agreement, mga Mayor ang sinusulatan namin tapos yung administrator ang pinakakausap, hindi ko pinatulan ito at naghanap ako ng mga mayayamang tao na manga-ngapital para dito ay sila na ang mag-usap ng administrador para lihis sa gusto ko mangyari at hindi ako makonsensiya, at nagkamali ako ng nilapitan na inerekomenda ng isang kaibigan, mayaman talaga ang taong ito at mayroon siyang trucking business bukod pa mga motor shop na sikat, mabait siya sa umpisa at akala ko nakakita ako ng tao, di pala ito tao, demonyo pala, kaya lang pala naki-kipagusap sa akin ay tinitignan niya kung maapektuhan ang business niyang taga-hakot ng basura, marami siyang trak na ginagamit pala sa pangongontrata sa mga munisipyo para humakot ng basura, kaya sa loob-loob ko, paano pa kaya ang gagawin ko, munisipyo ayaw makipagusap sa amin, yung dapat makipagusap hindi naman pala gagawin at gusto lang akong sirain, kaya tinawagan ko yung mga Koreano at sinabi kong wala akong kleyenteng mairerekomenda sa kanila, nasira na din ang usapan sa coco peat, dahil walang munisipyong gustong kumuha, at wala ding mangapital dahil ang sistema pala dito sa bansa natin ay "Kontrata sa basura para magkapera" at ang mga kumikita lang ay yung mga Mayor, kontraktor, at gumawa at nagpapatakbo ng sinasabi nilang landfill o dumpsite na ginagawa pa hangang ngayong taong 2010!
Ang batas na RA 9003 na sinimulang gawin noong 2000 dahil sa "Payatas Tragedy" ay naging tuluyang batas noong pang taong 2003 ay isang hilaw na batas, nandoon ang segregation, composting, pero nandoon din ang landfill, para hindi kayo tanga ito lang masasabi kong kailangan malaman ninyo. Ang segregation ay walang halaga kung ginagawa man dahil ang takbo niyan ay landfill na hindi naman kailangan i-segregate pa o paghiwahiwalayin, talagang mula't sapol naman ay inihihiwalay na ang mga papakinabangan pa, ang composting machine na local made na ipinamahagi at inutang sa gobyerno na ginagawa kuno ngayon ay pakitang tao lang dahil puro kalawang na at hindi mapatakbo, ito ay pinagkakuwartahan lang ng mga makakalikasang grupo daw at mga taong gobyerno na puro pera ang iniintindi....
Bakit ako naging tanga? Ito ay dahil hindi ko ginamit ang mga nalalaman ko para sumama at pagbigyan ang mga taong ito na puro hidhid sa pera, mayaman na siguro ako ngayon dahil bibilhin lang ang makina pero hindi naman gagamitin. Kung hindi natin babaguhin ang sistema ng ating mga basura ay "Kaawaan nawa ng Diyos ang ating mga kaluluwa" dahil napakadami na ng mga taong namatay at napinsala nito......
Yung isang kumpanya, ito ay tungkol naman sa kalusugan, na akin ding tatalakayin sa mga susunod kong mga blog, saka na muna iyon at baka tamadin na kayong bumasa kung isusulat ko lahat ngayon!
I-klik ang "ilog Meycauayan" sa itaas at ng makita ang aming teknolohiya, hanapin ang pahinang services, kahit isang daang taon ay hindi kakalawangin ang aming composting machine, local made na din ito, at malaman na din ang aming mga ginagawa para sa ating namamatay na kalikasan!!!!
Monday, August 2, 2010
Isa din akong tanga - Ikalawang bahagi
Isa din akong tanga - Ikalawang bahagi. Ang lagi nating tatalakaying sa ating mga blog ay ang mga pangyayari sa buhay ng inyong kaibigan tungkol sa kanyang pagiging tanga, para naman yung mga nagagalit pag sinasabi o isinusulat na ngayon ay "Panahon ng mga tanga" o "Age of Idiots" ay hindi sila masyadong masaktan kung sila man ay tinatamaan!
Maraming nagtatanong noong bago pa lang akong dating galing Amerika na bakit ako gumawa ng Foundation na may kakabit na pangalang GUARDIANS imbes na isang kumpanya dahil marami akong tuklas na mga produkto at makinarya (Walo ang aking nagawang USA Copyrighted Materials sa Amerika)na makakatulong sa ating kalikasan at kalusugan na tiyak na tatangkilikin ng tao, katangahan ba ito o ano?
Umpisahan muna natin sa GUARDIANS, tanga ba ako sa pagsali sa grupong ito? Kung ang isang kasapi ng organisasyon ng GUARDIANS ay isasa-damdamin ang ibig sabihin ng GUARDIANS ay hindi siya tanga at sasabihin kong isa ako dito, dahil ang ibig sabihin ng GUARDIANS ay Gentlemen and United Associates of the "Filipino" Race, Dauntless and Ingenious Advocator for Nation and Society o sa Tagalog ay "Mga maginoo at nagkakaisang katuwang ng lahing "Pilipino", magigiting at matatapat na taga-pagturo at taga-pagtangol ng bansa at lipunan. Kaya ang pangalang GUARDIANS ay ikinabit ko sa aking "Guardians Stop Global Warming Foundation, Inc."!
Ang aking Foundation ba ay kabilang sa 62 na faction ng GUARDIANS? Hindi po, dahil ito ay Foundation na kinabibilangan ng mga "GUARDIANS Environmentalists" na may tattoo, at "Guardians of Humanity and Nature", mga walang tattoo na mamamayan na gustong tumulong sa namamatay nating kalikasan, ito po ay nahahati sa dalawang dibisyon, kaya hindi po ito faction at welcome po lahat ng mga mamamayan ng Pilipinas na sumali dito, kahit na siya ay mahirap, walang trabaho, hindi nakapag-aral, basta ang una naming requirement ng pagiging miyembro ay "Pagmamahal sa kapwa, kalikasan, at bayan" na mahirap makita sa mayayaman, kaya halos lahat ng sumasali dito ay mas marami ang mahirap!
Kaya naman yung lang ang hinahanap naming requirement o kailangan sa pagiging miyembro ay dahil sa ang Foundation na ito ay mas marami ang mga aktibidades sa pagbibigay ng mga pangkabuhayang proyekto (Livelihood)at hanapbuhay sa mga walang trabaho, at pagtuturo sa mga hindi nakapag-aral kung paano bubuhayin muli ang namamatay nating kalikasan at tumulong para ito gawain, na hindi naman kailangan ng mga mayayaman nating kababayan, kaya kung sila man (Mayayaman)ay gustong sumapi ay dalawa ang pagpipilian nila, bilang isang regular na miyembro na tumutulong sa kapwa o taga-pagtaguyod(Sponsor) ng ating Foundation!
Balik tayo sa unang tanong, bakit hindi kumpanya at Foundation ang ginawa ko? Sa mga hindi nakakaalam, dalawa ang kumpanyang ginawa at sinalihan ng inyong kaibigan noong bago siya umalis papuntang Amerika, ito po ay ang JERNSTEC, Inc., at Lunas Kalusugan Corporation, Inc, parehong puwedeng buhayin dahil "stop Operation" ang kategorya nito, ngunit dahil sa mga eksperyensiya sa dalawang kumpanyang ito, na nangingibabaw ang kasakiman kaysa pagtulong, ay minabuti na lang na ito ay tuluyang isara!
Ngayon kung bakit ko ibinibilang ang sarili ko sa mga tanga ay mababasa sa ikatlong bahagi ng "Isa din akong tanga", na may kinalaman sa dalawang korporasyon, subaybayan ninyo po sana ang mga blog na ginagawa ng inyong lingkod para maging handa tayo sa pagbabago ng klima, para sa mga karagdagang impormasyon, i-klik lang po ang "larawan ng Ilog Meycauayan" sa itaas nito!
Saturday, July 31, 2010
Isa din akong tanga!
Isa din akong tanga! Maraming nagagalit sa akin pag sinasabi o isinusulat ko na ngayon ay panahon ng mga tanga o "Age of Idiot" at halos lahat ng Pilipino ay sasabihin kong tanga, pero dahil sinabi o isinulat ko na halos lahat, siyempre kasama ako, pero hindi naman ito ang literal na tanga kung hindi "Tanga kung kalikasan ang Paguusapan"!
Year 2000 noong nagumpisa akong mag-aral ng tungkol sa ating kalikasan, ito ay dahil sa awa ko sa mga kababayan nating nalubog sa bundok ng basura sa "Payatas" na ikinasawi ng daan nating kababayan, kung may pagpahalaga ka sa buhay ng tao, puputok ang puso mo sa mga larawang ipinakikita sa mga diyaryo at telebision, mahina ang puso ko sa mga ganitong eksena o sabihin na nating isa akong taong ma-emosyonal, na kahit hindi niya kaano-ano ang mga namatay ay iiyakan niya dahil iyon ay kanyang mga kababayan, at isa ako doon sa mga taong iyon!
Kontratista ako noong panahong iyon, mayaman na siguro ako ngayon kung hindi ako nagpalit ng opisyo, sa pagiging isang kontratista papunta sa pagiging isang makakalikasan, di ba katangahan iyon?
Matanda na ako, may kaunting talino, at kaunting pera (Ubos na ngayon), na inisip kong ang nalalabi ko pang buhay ay mag-aral na lang tungkol sa ating kalikasan at baka sakaling makatulong ako na mapigilan ang napipintong pag-init ng panahon at huwag ng maulit ang trahedya sa Payatas. Marami ang hindi nakakaalam na ang napipintong pag-init ng panahon (Global warming)ay pinaguusapan na noong pang taong 1992 at nagkaroon na ng world summit para diyan, kung paano mapipigilan, pero lumakad ang panahon na mas lalong lumalala ang sitwasyon dahil dumarami ang industriya!
Kaya ko laging sinasabi na ngayon ang "Panahon ng mga tanga' ay dahil sa ating mga katangahan, ilang buhay na ba ang nalagas simula nang panahon nang mangyari ang "Payatas Tragedy", sa panahon ni Ondoy at Pepeng, sa nangyari sa Bikol, huwag ninyong sabihing walang kinalaman ang ating kalikasan diyan, gaya ng sinasabi ng mga nagtatanga-tangahan o ubod ng mga tatanga....nating mga kababayan!!!!
Isa din akong tanga, dahil inuubos ko ang aking panahon dito, at dumarami pa ang aking kalaban dahil marami ang aking nasasagasaan...di ba katangahan iyon?
Tapos na ang aking pag-aaral para sa ating kalikasan, alam ko na ang ating mga gagawin para matulungan ang ating inang kalikasan, pero hindi ko iyon magagawa ng nag-iisa, marami ang miyembro ng aking "Foundation" na itinayo, pero hindi ko maoobliga na ubusin ang kanilang oras para tulungan ako o mag-boluntaryo para dito, dahil may sari-sarili din silang pamilya at mahalaga ang oras ng kanilang pagtratrabaho dahil sa kaliitan ng suweldo!
At hindi ko din maasahan ang mga makakalikasang grupo na minsan isang taon lang kung kumilos, para lang siguro makilala sila o makilala ang grupo nila?
Nakita o nabalitaan ninyo ba ang isang malaking grupong pang-internasyonal noong isang buwan na naglinis ng dagat sa Manila Bay, ang gaganda ng suot ano po, pero basura ang kukunin, paano ba yun?
E di kumuha sila ng mga magbo-Volunteer na papakainin na siyang sisimot ng basura, plastik, kaya lalong dumami ang plastik ng dagat ng araw na iyon...he he..
Ang aming sinusulong ay araw-araw na trabaho para sa ating kalikasan, wala ditong sosyalan kung hindi purong trabaho lamang, bigyan natin ng trabaho ang mga kababayan nating walang trabaho, sila ang pagtrabahuhin natin, sagana tayo sa teknolohiya, ang pondo? Yung mga pondo para sa kalikasan na ibinibigay sa mga Congressman, Mayor, Gobernador, ahensiya ng gobyerno, at bigay ng mga may mabubuting kalooban nating mga kababayan!Kung isa kayo dito, tulungan sana kami, at walang mawawala sa inyo dahil ibabawas lang ito sa buwis ninyo!
Yung binabalak ng NFA na "Work for Rice" ay isang insulto sa ating mga kababayang walang trabaho, bakit hindi bigyan ng trabaho para bumili ng bigas na bago at hindi bulok? Kabilang ba itong NFA sa tanga? Nagtatanong lang po?
Ngayon kung bakit ko sinulat na isa din akong tanga, pakibalikan lang po ang "Flashback - Isa din akong tanga", dahil tiyak ko hindi ninyo ito binasa, mababasa po ninyo doon!
Paki-klik ang "Ilog ng Meycauayan" sa itaas nito para sa mga karagdagan na impormasyon!
Friday, July 30, 2010
Flashback - Isa din akong tanga!
Flashback - Isa din akong tanga!
Ang larawang inyong nakikita sa kaliwa ay noong panahong nakikipagusap kami sa "San Jose Parish Church" tungkol sa usapin ng "No to Landfill"!
Parang ayoko ng maging makakalikasan!Mahirap palang maging makakalikasan, dahil lahat ng likas na bagay ay gusto mong maiwasto kasama na ang tao, pero paano kung ang gusto mong iwasto ay may mga pansariling interes at ayaw magpawasto sa iyo, mahirap hindi ho ba? Sa kagagawa ko ng mga blog, at pagpapadala ng email ay marami ang mga natatangap kong mga salita na hindi ko yata kayang lunukin na lang basta, kung malapit lang sila sa akin ay hindi ko alam kung ano ang nagawa ko para makaganti sa kanila, pero hindi ko na siguro dapat gawin dahil alam ko nabibilang lang sila sa mga tanga!!!!
Ang panahon natin ngayon ay "Panahon ng mga tanga" o "Age of Idiots", ipinaliwanag ko na ito dati, kung nabibilang kayo dito ay pasensiya kayo!!!
Sino-sino ba ang mga tangang ito:
1. Ito yung mga taong sa kaunting pera lang ay magpuputol ng mga punong-kahoy para gawing kaingin, o mag-troso para sa mga ganid na mamumuhunan, na hindi baleng magkamatay kayo basta may pera sila. Ang isang puno na inyong pinatay ay maaring libong tao ang maapektuhan, di ba katangahan ito? At para masabing hindi sila nakukunsensiya ay magpapa-volunteer na magtanim ng puno na kanila ang gastos...para itong "aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo".....nakukuha ba ninyo ang ibig kong sabihin, kung hindi kabilang kayo dito!
Isa pa lang ito sa mga taong nabibilang sa mga tanga o nagtatanga-tangahan, marami pa itong kasunod, gagawin kung isa-isa lang ang paglalahad at baka magalit kayo sa akin, dahil lalabas isa kayo sa mga ta..., darami lalo ang aking kalaban...
Pero bago kayo magalit sa akin ay sasabihin ko sa inyo na isa din akong tanga, bakit kanyo, dahil sa hindi ko pa maumpisahan ang organikong pagtatanim ay kumakain ako ng mga gulay na ginamitan ng kemikal, no choice ika nga, pero tinitiyak ko din na gawin muna itong wala o tangal na ang kemikal bago ko kainin, pero dahil bumili ako ng gulay na ito na ginagamitan ng kemikal na abono na siyang pinakamalakas sumira ng kalikasan at kalusugan, masasabi ko din sa sarili ko, na isa din ako sa mga tanga!
Sa pagpapakawala ko ng mga blog, maraming nagagalit sa akin na mga banyaga, bakit ho ba sila nagagalit, kasi Tagalog ang ginagawa ko na hindi nila maintindihan, take note o intindihing mabuti ha, hindi sa ibang bansa nakatira ang mga taong ito, nakatira dito sila at naapektuhan ng mga ginagawa ko, at pag pinabasa sa kapwa nating Pilipino ang ginawa kong blog, lalo silang maiinis, alam ninyo kung bakit, sila ang mga namumuhunan ng mga katarantaduhan na sumisira ng ating kalikasan...
Kung gusto pa nating umunlad ang ating bansa at maiayos ang ating kalikasan, tulungan ninyo ako, kung tungkol sa kalikasan ang ating paguusapan Tagalog ang gawin nating paguusap, at huwag ng sa message ipadala, kailangan sa komento, yung nakikita nila na hindi nila maiintindihan, huwag lang jejomon at baka pati ako hindi ko yung maiintindihan, at pag binasa sa kanila ang mga nagiging usapan natin ng kapwa natin Pilipino, yung ang saksakan ng tanga!
Isa sa malakas sumira ng ating kalikasan ay ang landfill, gawa ng mga banyaga, wala tayong ganyang teknolohiya dahil alam natin na maaapektuhan ang ating mga watershed,pero tinatangkilik natin kaya bilang kayo sa mga tanga kung malapit ito sa lugar ninyo na inyong pinayagan,ngayon kung hindi ninyo pa alam na masama ito sa kalikasan ay buksan ang ating website, i-klik lang ang "Ilog ng Meycauayan" sa itaas at hanapin ang "No to landfill" page, para hindi kayo makabilang sa mga ta...
At sana, kayong mga kapwa ko Pilipino ay huwag magalit sa akin kung nakakapagbitiw man ako ng mga salitang ayaw ninyo, ginagawa ko ito para sa mga anak natin at mga apo, at magiging mga apo pa, kung wala kayong pagmamahal sa kanila, sige magalit kayo sa akin at maiintindihan ko kayo......
Wednesday, July 28, 2010
Bigas, penge ng bigas!
Bigas, penge ng bigas! Nakakalungkot isipin na kung hindi pa nagpalit ng Pangulo ng Pilipinas ay hindi lalabas ang kaimbihan ng mga nanungkulang taong gobyerno, at nakapagtataka din na ngayon lang ito binabantayan ng media, ibig bang sabihin hindi nila ito alam, o takot lang sila sa nakaraang administrasyon?
Apat na milyong pamilya ang hindi nakakakain ng tatlong beses sa isang araw, sa kabila ng napakarami nating likas na yaman, kasama na ang bigas, na tinatanim ng ating mga magsasaka pero ayaw bilin ng mga negosyante ng bigas sa kadahilanang may mas mura silang nabibili sa mga bodega ng gobyerno at naibebenta ng malaking halaga sa palengke?
Kanina, napanood natin sa mga istasyon ng telebisyon ang mga nabubulok na bigas na imbes na naipamigay sa mga kababayan natin noong panahon ni Ondoy ay hinayaan na lang mabulok. Wala bang nakakaalam na talagang hinahayaang mabulok iyan ng mga taong gobyerno para masabing "Not fit for human consumption" at kailangan ng sunugin?
Napakawalang puso ng mga taong ito, natitiis nila yung mga kababayan nilang nakikita nilang walang makain dahil masyadong mahal ang mga bigas sa palengke, bakit hindi na lang ibenenta ng mura o ipinamigay ng sa gayun kahit paano nakakain naman ng tatlong beses isang araw yung mga kapus-palad nating mga kababayan?
Pero bakit nga ba hinahayaang mabulok, nakakapagtaka ano po, isipin ninyo.....wala kayong maisip, ako mayroon pero ito ay haka-haka lang at maaring hindi pa din totoo..
Ang bigas na inaangkat ng gobyerno ay maaring dalawang klase, isang malapit ng bulok na talaga at isang murang bigas na maganda na siyang ibebenta naman sa mga katabing warehouse na siya namang nagbebenta ng mahal sa mga palengke.
At yung mga malapit ng mabulok na talaga na halos ayaw na ding kainin ng mga tao ang sila nilang ibenebenta sa mahihirap nating kababayan, ke bilin o hindi may kita sila, bakit ho ba may kita, may kita na sa overprice, may kita pa sa pagsunog, un-reliable source ang natangap namin galing sa isang lugar sa Visaya, ang sinusunog ay kalahati ipa, nakatago ang kalahati para pamalit sa susunod na shipment, aray ko.....
Sa pagpasok ng bagong administrasyon ni P-Noy, inaasahan ng mahihirap nating mga kababayan na hindi na mangyayari ang mga ganitong sistema, at kailangan na din na tumulong tayong mga kababayan ko na may puso pa at damdamin para sa mahihirap nating kababayan, tulungan natin sila, at kung ano ang nakikita natin na ginagawang pang-aabuso ng mga taong gobyerno ay i-report natin kay P-Noy, di ba sabi niya kayo ang Boss ko!
Ang mga kababayan nating mahihirap ay tao din na dapat din nating bigyan ng importansiya, katulad ng mga hayop gubat na gusto nating mamalagi sa kagubatan, dahil sila ay nabibilang din sa ating kalikasan.....
Mangyari pong i-klik ang larawan ng "Ilog ng Meycauayan" sa itaas nito para sa mga karagdagang impormasyon!!!
Sunday, July 25, 2010
Tag-ulan na ba, kapos pa ba ang tubig ng Dam?
Tag-ulan na ba, kapos pa ba ang tubig ng Dam? Pasensiya na po sa mga tatamaan ng tanong natin ngayon, di ko lang matiis na hindi sulatin ito kahit na araw ng Linggo, sorry ho sa Napocor, Media, at Maynilad, gayundin sa mga kontraktor na tinamaan ng blog kong "Bato-bato sa langit ang tamaan huwag magagalit", iba na po ang panahon ngayon, kung nagagawa ninyo ang mga kalokohan ninyo noong araw, hindi na pupuwede sa Pangulong NoyNoy natin, susuporta ako sa kanya dahil sa nakikita ko ngayon na concern o may malasakit siya sa mahihirap nating kababayan!
Ulitin ko ulit ang tanong ko noon sa isa kong blog, bakit ang lugar lang ng mahihirap ang pinakikita ng Media na nawawalan ng tubig, so, siguro puno pa ang mga swimming pool ng mayayaman, huwag ninyong sabihing deep well ang gamit nila at hindi ako maniniwala, at bakit walang nakiki-igib ng tubig na naka-unipormeng maid, di ba sila naghuhugas ng pinggan,kaya sure ako na tanging sa mahihirap lang na lugar ang pinapatayan ng tubig!
Tatlong araw ng umuulan sa amin sa Bulacan, pero nag-ka-cloud seeding bago ito mangyari, at sabi galing lang daw ito sa ulap na binagsakan ng yelo, kadami naman yatang yelo niyan at bumaha pa dito sa Manila ngayon na kapos-na-kapos sa tubig, huwag ninyong iinumin kaagad ang tubig ulan mga kababayan ko at baka may acid rain yan, siguradong nagsahod kayo ng malinis na lalagyan pero dapat pakuluan pa din ninyo iyan bago ninyo inumin para sigurado!
Alam ba natin na dapat hindi natutuyuan ng tubig ang Dam? Kung hindi pa ipapaliwanag ko sa inyo!
Nakapunta na ba kayo sa Las Vegas, siguro yung mga taga Maynilad at mga taga Napocor nakapunta na dito....Paligid po ito ng disyerto pero mayroon silang DAM na hindi natutuyuan ng tubig, bihira ang ulan dito ha, at yelo ang bumabagsak kung sakaling uulan, bakit ho hindi nawawalan ng tubig?
Naghukay sila at binaunan ng malalaking tubo na galing sa ibang state na Dam na hindi natutuyuan ng tubig dahil buong-buo pa ang kanilang kagubatan!!!!!
Ano ba ang kinalaman nito sa ating Angat Dam? Ang kagubatan sa Sierra Madre na tabi ng Angat ay nakakalbo na ang kagubatan na wala ng pumipigil sa tubig ulan, na magiipon ng tubig na nagsisilbing talon ng tubig para sa mga panahong tag-init!
Bakit hindi nawawalan ng tubig ang Dam sa Las Vegas, na halos buong taon na tag-init, kayo na ang mag-isip ng kasunod.......kung wala kayong maisip, ako na, walang korapsiyon.....GOD Bless sa lahat ng makakabasa nito na maiintindihan ang mga sinasabi ko!!!
********888********
Mangyari pong I-klik ang larawan ng "Ilog ng Meycauayan" sa itaas upang malaman kung ano ang mga ginagawa ng mga "GUARDIANS" na makakalikasan!
Friday, July 23, 2010
Wednesday, July 21, 2010
Bato-bato sa langit ang tamaan huwag magagalit!
Bato-bato sa langit ang tamaan huwag magagalit! Huwag po sanang magagalit ang tatamaan nitong bago kong blog na ginawa ko ngayong Hulyo 22, 2010, dahil ginagawa ko lang naman ito dahil na din sa awa at pagmamahal ko sa ating mga kababayan, marami dito ang tiyak na tatamaan!!!!!!!!
Kung napanood ninyo ang balita kagabi tungkol sa kakapusan ng tubig at isa kayo sa marunong magmahal sa inyong mahihirap na mga kababayan ay sasabihin ninyong ito ang pinakawalang kuwentang balita na napanood na ninyo!
Bakit ho, basahin ninyong mabuti ito, at kung namamali ako ay magkomento kayo dahil gusto ko din na may mag-kokorekta o nag-aayos ng mga sinusulat ko!
Umpisahan po natin ang balita sa may batasan, bakit nauna pa ang media sa pagdating ng tangke ng tubig na dala-dala ng trak para maipamahagi daw ang tubig sa mga taong walang tubig sa bahay. Kung nakarating na kayo sa tapat ng Kongreso, bihira ang mahihirap diyan dahil ang tapat niyan ay opisina ng DSWD, at medyo malayo ang lugar ng mahihirap, bakit doon nila ginawa ang pamamahagi, para sirain na naman ang SONA ng bago nating Presidente?
Isa ako sa dating ayaw kay Presidente NoyNoy, pero dahil sa nakikita kong ginagawa at malasakit sa mahihirap niya ngayon, unti-unti na akong naeenganyo na sumoporta sa kanya, bigyan pa natin siya ng konting pagkakataon, huwag natin siyang sirain sa mga binabalak niya!
Bakit puro yata bago ang malalaking plastic na drum ang dala-dala ng sinasabing mahihirap, kaya ba nilang buhatin ito kung puno na ng tubig sa kani-kanilang bahay, medyo may kalayuan din siguro ang kanilang bahay sa Batasan at hindi tiyak na ito ay isasakay ng tricycle, kung may pumayag man paano, sino kaya ang bumili ng malalaking drum, media o Napocor, o Maynilad?
Punta naman tayo sa Malabon, na sinasabing sinira ng mga tao ang tubo ng tubig, ano ba talaga ang problema, kapos ang tubig o may ginagawa ang Maynilad sa lugar nila o sadyang Pinigil ang tubig?
Abot naman pala ang tubig doon e bakit pipigilin ang pagdaloy, at tama lang na sirain nila ang tubo dahil ang tubig ang nagpapatagal ng buhay, nakita nila na may tubig doon e di kunin, ke nakaw na sabihin iyan e kinakarga lang naman sa system loss ang mga nawawala di ba, at bakit ayaw humarap ng mga kontraktor sa media, dahil mabibisto sila na pinipigil nila ang pagdaloy ng tubig at wala naman silang ginagawa doon, kung sakaling may ginagawa man, mas mahalaga pa ba ang kanilang ginagawa para pigilin ang tubig kesa sa buhay ng mga bata, mga maysakit, mga walang mainom sa bahay, alam ba ng mga hayop na ito na ang tubig ay katumbas ng buhay????????
Wala na ba kayo talagang pakikipag-kapwa tao, may damdamin ba kayong tao, tao ba kayong naturingang mga ha... kayo????????
Punta tayo sa "Angat Dam", nakita ninyo yung sinasabing moist daw ng isang "Engineer" yung ke lakas na lakas na tubig na pumupunta sa Ipo Dam at papunta sa Balara at ipinakakalat sa Manila, engineer ba ito o hingi-neer, e kaya pala ng moist e bakit may pa-cloud seeding-seeding pa, painitan na lang yung lugar na nagkakaroon ng tubig tiyak na makakatipid pa, isang posporo lang katapat niyon, huwag naman ninyong gawing tanga ang lahat ng Pilipino!!!!!!
Kung magtataas lang kayo ng presyo ng tubig o ibebenta ang "Hydro Electric Power Plant" o kung anuman ang balak ninyo at pinalalabas ninyo na hirap sa tubig ang Metro Manila, matakot naman kayo sa Diyos, hindi ninyo ba alam kung ilang buhay ang maapektuhan niyang pinag-gagagawa ninyo, malapit na silang mag-away-away, naghahatakan na ng hose dahil mahal nila ang mga bata at mga maysakit nilang kamag-anak na hindi makakainom ng tubig, ano ang maaring kasunod nito????????
********888********
Sa aking mga kaibigang makakabasa nito, mangyari pong i-klik ang larawan ng "Ilog ng Meycauayan" sa itaas nito upang malaman ko naman kung may nagbabasa o ilan ang nagbabasa ng aking mga ginagawang blog, at i-share lang po sana ito sa inyong mga kaibigan! Sa mga hindi ko pa kaibigan sa facebook.com, hanapin lang po sa inyong google search ang http://www.facebook.com/gsgwfi , salamat po at GOD Bless!
Tuesday, July 20, 2010
Talaga ba na kapos ang rasyong tubig?
Talaga ba na kapos ang rasyong tubig? Sabi nga pinakikita sa mga istasyon ng television ang kakapusan ng tubig, pero hindi ba kayo nagtataka na ang mga lugar lang ng mahihirap ang pinakikitang nahihirapan sa kakawalan ng tubig ngayon?
Hindi ba gumagamit ng tubig ang mayayaman, siguro dapat ang ipakita ng mga istasyon ng tv yung mga swimming pool ng mayayaman, at pag talagang tuyo ang swimming pool talagang kapos talaga ang tubig!
Hindi pa man nangyayari ang mga bagyong Ondoy ay may nagsasabi na, na ang mangyayaring pagtaas ng halaga ng gasolina, kuryente, at maging tubig sa darating na taong 2010 ay kagustuhan ng Diyos, at maaring nagkatotoo nga, may propesiya ba ang mga taong ito o inihahanda lang nila ang kalooban ng mga tao sa kanilang mga plano?
Ano-ano ba ang mga planong ito, una ang pagbebenta ng "Hydro Electric Power Plant" na nasa pangangalaga ng Napocor sa Angat Dam, dahil sabi nga hindi ito mapapatakbo dahil sa kakapusan ng tubig, tubig ang nagpapatakbo nito kaya kung walang tubig hindi ito mapapatakbo, kaya mas mabuti pa daw na ibang bansa ang magpatakbo nito at baka sakaling magkaroon ng tubig, ano ba ito????
Alam ba natin kung bakit kapos tayo sa tubig ngayon, sabi nila, pero ang inyong kaibigan ay hindi naniniwala, una, nagkaroon sila ng pagkakataon na pakawalan halos lahat ng laman ng Angat Dam noong panahon ni Ondoy, na ikinasawi ng daan-daan nating kababayan, na dahil sa kanilang ginawa ay halos nawalan na ng tubig ang Dam, pero hindi natin ito dapat ikabahala kung walang problema ang Dam!
Kailangan ba na ang bago nating Presidente pa ang makadiskubre na maraming tagas o may bitak na ang Dam na hindi nagagawa dahil sa kawalan daw ng pondo, na halos isang dekada na ang problemang ito, isang bilyon daw ang kailangan, kaya limang Senador lang o kaya labinlimang congressman lang ang hindi bigyan ng pork barrel sa isang taon, tapos na ang problemang ito!
Kaya nila sinasabi na kapos ang tubig ay dahil tuloy-tuloy pa din ang pagtagas ng tubig sa mga bitak, na kailangan ang isang bagyong katulad pa ulit ni Ondoy para magkaroon ng sapat na tubig, at kung sakali ulit na ganoon nga ang mangyari, tiyak na magpapakawala na naman sila ng katakot-takot na tubig, na maari na namang ikasawi ng ating mga kababayan, dahil uuho na naman ang daang-daang troso galing sa kagubatan na hindi na yata nagsawa ang mga pumuputol, pero talagang kailangan nilang gawin iyon, ang pagpapakawala, dahil pag hindi ay maaaring sumabog ang Dam!
Sa amin sa Meycauayan City at Obando, sanay na kami na mawalan ng tubig, sa araw-araw na ginawa ng Diyos, pinapatay ang aming tubig simula alas nueve ng gabi at bubuksan ulit ng alas kuwatro ng umaga, sa kabila ng ang bayad namin ay tumataginting na trenta'y nueva (P39.00)kada metro kobiko, ang pinakamataas sa buong mundo, pero wala kaming magawa dahil hindi pa daw nagagawa ang linyang papunta sa lugar namin kaya bumibili pa daw kami sabi ng dati namin Gobernador, kaya payo ko sa mga kababayan ko, magtipid tayo sa tubig, kahit mura ang tubig sa lugar ninyo pag-ingatan ninyo ang mga tubo ng tubig at huwag payagang mabutas, gamitin lang ang tubig sa tamang paraan, huwag tayong maging aksayado sa pag-gamit, mahalin natin ang tubig dahil ito ang nagpapanatili bakit pa tayo nabubuhay, kung walang tubig, di tayo tatagal.
At lagi ninyong isipin, mas masuwerte pa kayo kaysa sa amin na mga taga Meycauyan at Obando, na maraming taon ng nagdaranas ng hirap sa tubig, kayo araw pa lang at huwag iinit ang ulo at baka lalo lang lumaki ang problema!
Pero saang bansa ka ba naman nakakita ng tag-ulan pero nag-kla-cloud seeding, pag nabalitaan ito ng mga taga ibang bansa sasabihin tanga talaga ang Pilipino, malaki talaga ang problema ng Angat Dam, bakit sa San Roque Dam walang problema ngayon, nasasa-isang pulo lang at bansa ang dalawang Dam na iyan?
Huwag na sanang mangatwiran ang Napocor sa ating Presidente NoyNoy, talagang iyan ay problema ninyo, at pinalano na ninyo iyan noon pang nakaraang taon, bago pa man lang dumating si "Ondoy", at ang problema ng Angat Dam, di ninyo binibigyan ng aksiyon, o nabibilang kayo sa mga "Tangang Pilipino"?
Paliwanag ko ulit ang "Tangang Pilipino", di naman ito eksaktong tanga, ito yung mga Pilipinong nagtatanga-tangahan na na nagsasabi ng: "Hindi bale kayong magkamatay na mga kababayan ko dahil sa paninira ng kalikasan at kagulangan ako yumayaman"!
Tatanungin ko kayong mga kababayan ko, lalo na ang mga nakatira sa lugar ng Bulacan, ano ang kailangan bigyan ng prayoridad?Ibenta na ang "Hydro Electric Power Plant" at ipagawa ang Dam, pero lalong tataas ang singil ng kuryente dahil ibang bansa na ang magpapatakbo nito, pero hindi naman tayo kakaba-kaba pag oras ng bagyo o huwag munang magbigay ng pork barrel para maipagawa ito o umutang na lang ulit para magawa ang Dam at panatilihing pag-aari pa ng Napocor ang "Hydro Electric Power Plant", kaya walang pagtataas ng kuryente ang mangyayari sa Meralco!
Sa aking sagot, huwag munang magbigay ng pork barrel lalo na sa mga tongressman na walang pakinabang at huwag ibenta ang "Hydro Electric Power Plant"!
Mangyaring i-klik ang larawan ng "Ilog ng Meycauayan" para makita ang aming website, sundan niyo na din ang inyong kaibigan sa http://www.facebook.com/gsgwfi/ salamat po!
Monday, July 19, 2010
Ligtas bang kainin ang mga isda?
Ligtas bang kainin ang mga isda? Sabi nga kung yung lulutang-lutang ngayon sa Laguna de Bay na halos nanga-ngamoy na e paano iyon masasabing ligtas, ang pagkain ng isda, siyempre kahit na yata bayawak hindi iyon kakainin dahil sa sobrang sang-sang ng amoy nito, pero iyong nabibili sa palengke, ligtas bang kainin?
Sa ngayon, wala tayong naririnig na kaso kung bakit nagkaganito ang mga isdang namamahay sa Laguna de bay na nakitang mga patay na pagkatapos ng bagyong si Basyang liban sa iyon ay gawa ng bagyo.
Naniniwala ho ba tayo sa dahilan na ito? Alam ba natin na noong panahon ni Ondoy na pinasukan din ng tubig ulan na may kasamang basura ang Laguna de Bay pero hindi nangyari ang maramihang pagkamatay ng mga isda o fish kill? At alam ba natin na ang tubig na pumasok ngayon sa Laguna de Bay ay galing sa Ilog Pasig na sa sobrang dami ng nakakalasong kemikal at langis ay ang siyang pumatay sa mga isda?
At alam ba din natin na hindi pa nangyayari ang bagyong si Ondoy ay may nakakausap na akong mga tao na nakatira sa paligid ng lawang ito na nagsasabi na lasang lumot na o gilik ang mga isdang namamahay dito, na halos di na nila makain!
Simple lang naman ang paliwanag dito, ang lason kung kaunti ay hindi nakakamatay lalo na kung may kasamang tubig, unti-unti lang kasi kung pumasok ang tubig ng Ilog ng Pasig sa Laguna de Bay dahil walang bagyo, pero nakaka-apekto sa mga isda kaya naglalasang gilik, pero paano kung biglang itulak ng tubig dagat ang tabang na tubig ng Ilog Pasig papunta sa Laguna de Bay dahil sa bagyo, e di darami na ang lason na galing Ilog Pasig na siyang ikinamatay ng mga isdang namamahay dito, di ho ba?
Ang Ilog Pasig ay matagal nang nililinis simula pa ng "Piso para sa Ilog Pasig" ni Madam Ming Ramos, labinpito o labing-walo ng taon simula ng umpisahan ito, minana ng Clean and green, ngayon ay ang Ayala Foundation at Sagip Pasig Movement ang nagpapatuloy pa din yata nito, pero mali ang mga sistemang ginagawa ng dalawang grupong ito na may katulong pa yatang sangay ng Gobyerno, di kasi ako sigurado kung yung Pasig rehabilitation ay NGO o gobyerno!
Malilinis ba ang ilog kung gagamitan ng mga para-parada, pag-gawa ng mga float at iikot sa ilog na ito, pagbibigay ng "Lason Award" sa mga kumpanyang nagtatapon ng kemikal sa ilog na ito, at paglilinis minsan isang taon???
Kung talagang gusto nating malinis ang Ilog Pasig, palayasin din ang mga Pabrikang nasasa-gilid ng ilog na ito kung wala silang "Waste Water Treatment Facilities", kung mayroon man ay tiyakin kung nakakasunod sila sa batas para dito, napalayas ninyo ang mga eskuwater kaya puwede din ninyong gawin ito sa kanila, at huwag ng magpapapasok ng mga barge na siyang nagkakalat ng mga langis dito, palayasin na din ang mga oil depot na matagal ng gustong gawin ng mga taga maynila dahil napakalaking epekto nito sa ilog Pasig at maaring pagmulan pa ng malakihang sakuna!
Pero lagi na pera ang nangi-ngibabaw, kaya tiis na lang tayo sa mga susunod pang mangyayari sa ating mga kailogan, mga palaisdaan, at sa atin ng namamatay na kalikasan, at ang pagkain ng isda, lalo na kung galing tubig tabang ay ating pag-ingatan, at baka hindi man tayo mamatay bigla ay magkasakit naman tayo ng sakit na wala ng lunas o kanser, kaya ingat-ingat mga kababayan ko at "Pagpalain nawa tayo ng Panginoong Diyos"!
Mangyari po sanang i-klik ang larawan ng "Ilog ng Meycauayan" na makikita sa itaas at pumunta sa aming "Services" page o pahina, dahil lagi na,na may sulusyon ang "GUARDIANS Stop Global Warming Foundation, Inc. sa mga problema natin sa ating kalikasan, sa kailogan, at sa ating kalusugan!
Paki-sundan na din po ang inyong lingkod sa www.facebook.com/gsgwfi at sumali sa mga grupong pang-kalikasan, salamat po!
Thursday, July 15, 2010
"Isda" o "Sigarilyo"?
Natatakot ba kayong kumain ng isda ngayong panahong ito? Isa pang tanong, natatakot ba kayong tumabi sa isang taong nagsisigarilyo?
Sa isang may-kaya o sabihin na nating mayaman, talagang hindi kakain ng isda ngayong panahong ito dahil tiyak na iisipin na kasama ang mga isdang ibinebenta ngayon ay kasama sa mga namatay na isda na nakuha sa ilog pasig na ibinalita ng Department of Health na masamang kainin. Marami silang pera bakit sila bibili ng isda, samantalang napakaraming laman ang refrigerator na hindi isda o magpatakbo lang sa palengke at makakabili na ng baka o baboy at iba-iba pang pagkain na hindi isda!
Sa isang mahirap o mayaman na nagsisigarilyo, kahit na anong pagbabawal o babala ang gawing ng Department of Health ay tiyak na magpapatuloy ang kanilang paninigarilyo dahil walang substitute o kapalit sa kanyang bisyo!
Ang isang mahirap, kahit na anong babala ang gawing pagbabawal sa isda ngayong panahong ito ay tiyak na kakain at kakain ng isda lalo na kung hindi ito binili at nakuha lang na lulutang-lutang sa ilog gawa ng bagyo!
Ano ang mas delikado sa kalusugan, ngayong panahon ng tag-ulan at pagkatapos ng tag-ulan, pagkain ng isda o paninigarilyo?
Sabi nga, hindi pa nalalaman kung saan ba talaga nakukuha ang kanser, at sabi naman ng iba dahil sa paninigarilyo, pero bakit naman yung mga hindi nagsisigarilyo na nagka-kanser, sasabihin natin yung 2nd hand smoke o yung lagi kang nakatabi sa nagsisigarilyo, pero wala pa din itong batayan!
Kung ang inyong kaibigan ang tatanungin, sasabihin kong ang pagkain ng isda ang mas delikado lalo na yung nahuhuli sa tabang na tubig at sa dagat na malapit sa dalampasigan!
Kung bakit, ito ay dahil sa kadumihan ng ilog at kadumihan ng dagat na lagi nating sinasalaula, nakita ninyo o narinig sa balita ang pagkamatay ng maraming isda na lulutang-lutang sa ilog Pasig, ano ang ibig sabihin nito?
Ang mga isda na nasa "Laguna de Bay" ay napunta sa ilog Pasig na tinatahanan ng naparaming mikrobyo, lason, at kung anu-ano pang kemikal na tinatapon ng mga kumpanya sa paligid nito kaya sila nangamatay, tatagal ba ng isang minuto ang isda pag napunta dito?
Isa sa pag-aaral ng "GUARDIANS Stop Global Warming Foundation, Inc." ang kumuha ng tubig sa ilog ng Meycauayan at subukan ang isang isdang "Gurami" kung tatagal na lumangoy dito, ang lahat ng nanonood sa aming ginagawa ay napanganga dahil ang isdang pinalangoy sa tubig ng ilog ay animo inilubog sa kumukulong mantika, nagkikisay at namatay ng wala pang limang segundo.
Gamit pa din ang tubig ng ilog ng Meycauayan na hinati-hati namin sa apat na bahagi ang aming sinubukang i-treat isa-isa o gamutin at pagkalipas ng tatlong linggo saka pa lang namin nabuo ang "Guardisol" o "GUARDIANS Solution" na siya naming pinang-gamot sa tubig ng ilog ng Meycauayan na aming pinalanguyan sa isang "Gurami" na nanatiling buhay sa maniwala kayo o hindi hangang sa pagdating ni "Ondoy" na pinasok ng tubig baha sa aquarium kaya siguro nakawala at sumama na sa baha, isa po itong "Guardisol" sa mga gagamitin namin sa paglilinis ng ating mga kailogan!
Balik po tayo sa ano ang mas delikado, sa aming palagay, habang marumi pa ang ating mga kailogan at dagat na posibling makapasok sa ating mga palaisdaan, ay aming sasabihing mas delikado ang kumain ng isda ngayon dahil kung dito ka makakakuha ng sakit, lalo na kung kanser, ay posibling anim na buwan na lang ang itagal ng buhay mo, samantalang sa sigarilyo na wala pa namang lubos na pag-aaral liban sa sinasabing may 599 klase ng lason ang nandirito dahil sa mga preservative o pang-patagal ng produkto!
Bakit ba yung mga kababayan natin sa Ilocos na nagsisigarilyo ng walang preserbatibo, di ba umaabot ang mga edad sa nubenta hangang isandaan, kaya dapat siguro paigtingin din natin sa ating bansa ang pagtatanim ng "Organikong Pagtatanim" ng "Tabako" at hindi gumamit ng preserbatibo para naman may substitute o pamalit sa sinasabi nating may lasong sigarilyo, e sa ilog Pasig at Meycauayan, ilan kayang klase ng lason, mikrobyo, at kemikal ang nandirito?
Sagot: Mahigit isang milyon!!!!!!!!!!!
Mangyari pong i-klik ang larawan ng "Ilog ng Meycauayan" sa itaas at hanapin sa "Save Our Nature Videos" page o pahina ang sinasabi naming isda, salamat po!
Paki-sundan na din po ako sa www.facebook.com/gsgwfi at sumali sa grupong "Pagkilos para Sagipin ang Kalikasan sa Pilipinas"!
Wednesday, July 14, 2010
Tanga ba talaga tayong mga Pilipino?
Maraming makakalikasang Grupo o Assosasyon o Pagkilos (Movement), o Club ang mga nakarehistro sa ating Securities and Exchange Commission at yung iba ay basta na lang isinulpot o ginawa ang kanilang samahan, binigyan ng pangalan at sinasabi na tumutulong sila sa namamatay nating kalikasan!
Kung titignan nila ang sitwasyon ng ating klima sa ngayon, kaya ba ng mga para-parada, pagpatay ng ilaw minsan o dalawang beses isang taon, paglinis ng ilog at magtangal ng basura sa ilog minsan isang taon, sa dagat at napakaraming volunteer ang gumagawa minsan isang taon, pagtatanim ng puno minsan isang taon, tama ba ang kanilang ginagawa, makakatulong ba talaga ang kanilang ginagawa sa namamatay nating kalikasan?
Kung ginagawa lang ninyo iyan bilang pakitang tao, makilala kayo, o sosyalan lang ay maari ho ba na itigil na lang ninyo!!!!!!!!!
Ang pagiging makakalikasan ay dapat nasa sa puso, na kahit walang media, walang tv, at walang grupo o samahan, ay gagawin ang nararapat para sa ating kalikasan, dahil kung wala siya, ang ating kalikasan, ay wala din tayo!
Ang walang habas na pagputol ng ating mga puno sa kagubatan ay hindi na natin mapipigil, dahil ang katwiran ay may mga grupo o samahan naman na makakalikasan na magtatanim, at kamuka't mukat sila din pala ang may negosyo nito, kawawa lang ang mga nagboboluntaryo para makilala ang kanilang samahan, tanga ba talaga tayong mga Pilipino?
Ang walang habas na pagtatapon ng mga kemikal at basura sa mga ilog at dagat, ang katwiran naman ay may maglilinis nito minsan isang taon, dahil may nagbubuluntaryong grupo na samahan na maglilinis nito minsan kada isang taon o dekada, at kamuka't mukat, sila din pala ang mga nagtatapon dito, makikilala nga naman sila kung may media pag nililinis daw nila ito, at mga pondo para dito ay kanila ng maibubulsa kung sila ay lingkod bayan dahil marami ang nagbubulontaryo, alam ba natin na karaniwang naka-kotse ang mga nagtatapon ng mga basura sa ilog at patago pa, tanga ba talaga tayong mga Pilipino?
Sa mga makakalikasang daw na Pilipino, alam ba ninyo na kaya naiipon ang mga basura ninyo sa bahay dahil matagal kung kunin ng mga basurero? Ito ay dahil malulugi sila kung araw-araw o makadalawa o makatlong araw nila kukunin, dahil por kilo ang bayad sa kanila ng mga Munisipyo at malayo ang landfill! May paraan ba dito ang sinasabing mga makakalikasang grupo, kung wala kayong maisip, basahin lang po ang aming website na inyong makikita kung i-ki-klik ninyo ang ilog ng Meycauayan na makikita ninyo sa itaas, tignan ang aming services, at pagtulung-tulungan natin na ito na maisolba, kung ayaw ninyo, sasabihin kong isa kayong tangang Pilipino!
Ang aming Foundation "GUARDIANS Stop Global Warming Foundation, Inc." ay isang mahirap na Foundation, pero sandali lang kung gusto naming yumaman, ganito po iyon, kung magtatayo kami ng kumpanya na kapatid ng Foundation ay magkakaroon kami ng "Profit Organization" at ilalapit namin ang aming mga teknolohiya sa mga munisipyo, siyudad, at mga kumpanya, at kung profit organization ka posibling mapasok ka sa isang "Under the table agreement" na ayaw na ayaw namin, dahil kahit mahirap lang kami, pinipilit naming maging marangal ang aming "Foundation"!
Napakasama ng impression ng mga tao sa "GUARDIANS" na nakilala na mga basagulero, mahilig sa coup deta't, at manglalamang (Hindi po yun totoong GUARDIANS),na naikabit sa pangalan ng aming Foundation, pero hindi naman po lahat ng miyembro nito ay "GUARDIANS", may mga sibilyan din dito na mga doktor, abugado, sayantista, mananaliksik, mga propesyonal, mga pangkaraniwang kawani, at mga estudyante!
At ipinagmamalaki namin na kami ay isang "Non-profit Organization" na nakarehistro sa "Securities and Exchange Commision", sa "Department of Social Welfare and Development" bilang isang ahensiya nito, sa Barangay, sa Sanitary, sa "Meycauayan City", sa "Meycauayan Social Welfare and Development", at sa Bureau of Internal Revenue" na siyang mga kailangan, para makahingi ng tulong sa mga Ahensiya ng Gobyerno, sa mga kumpanya, at sa mga taong may mabubuting kalooban!
At ginagamit din namin ang Labintatlong (13) Philippine Copyrighted, at walong (8) USA Copyrighted Materials para gawing batayan sa pagtulong sa namamatay nating kalikasan, naghihirap na kababayan, at kalusugan ng mamamayan!
Sa ngayon ay itinatayo namin ang "Save Our Nature Philippines Movement" o "Pagkilos para Sagipin ang Kalikasan sa Pilipinas", ito ay upang mapag-isa natin ang sinasabing mga "Makakalikasang Grupo", kung kayo ay aanib sa amin na siyang dapat, ay sasabihin naming tunay ang inyong layunin para sa ating namamatay na kalikasan, dahil araw-araw na implementasyon ang ating gagawin para sagipin ang namamatay nating kalikasan at hihingi tayo ng tulong sa mga kumpanyang may mababait na kalooban ang may-ari, gayundin sa mga kumpanyang naninira ng ating kalikasan at tuturuan natin ng mga dapat gawin para huwag makasira, at bubusisiin natin ang mga pondong nakalaan para dito para naman may pansuweldo tayo sa mga gagawa ng pagbuhay muli ng namamatay nating kalikasan.
O mananatili tayong isang "Tangang Pilipino" kung kalikasan ang pag-uusapan!!!!!!!!
Paunawa: I-klik lang po ang larawan ng "Ilog ng Meycauayan" sa itaas nitong artikulo para makita ang aming website!
"Bagong Tiktik" - Kunsensiya - MERALCO
"Pagkain ng pamilya ko, napunta sa "Meralco" sigaw ng isang poster ng aktibistang grupong "Freedom From Debt Coalition" sa kanilang pagtutol sa mataas na singil sa elektrisidad ng nasabing kumpanya. Sa tuwinang magtataas ng singil ang nasabing kompanya-gaya ng gagawin na naman nila ilang araw mula ngayon-ang ikinakatuwiran nila ay nagtaas daw ng singil ang mga kumpanyang gumagawa at binibilihan nila ng elektrisidad. Kaya hindi raw sa bulsa nila napupunta ang dagdag na singil kundi sa mga binibilhan nila.
Ang Meralco ay may sarili ring kumpanyang gumagawa ng elektrisidad, kaya kumikita rin sila nang limpak-limpak pag iyon ay nagtaas ng singil. Ngunit ang isang malaking dahilan ng napakataas na singil ng Meralco ay ang pangyayaring sa mga kostumer nila sinisingil ang mga gugulin nila sa elektrisidad na kinokumsumo ng napakalaking gusali nila sa Ortigas. Pagkarami-raming airconditioner at mga ilaw ang nasabing gusali. Ang gugugulin sa elektrisidad ng mga sangay na tangapan nila ay sa mga kostumer din nila sinisingil. Idagdag diyan ang dami ng mga kawani nila, na ang matataas na mga pinuno ay sumusuweldo nang limpak-limpak, at talagang kakailanganing magtaas sila nang lampas-batok sa singil nila sa elektrisidad. Ngunit ang ganyang singil ay mapapababa kung ang mga may-ari ng Meralco ay magkakaroon lamang ng kahit bahagyang kunsensiya.
Ang nasa itaas na artikulo ay inilathala ng "Bagong Tiktik" noong Hulyo 12, 2010 at nirapat na ding isama sa mga blog ng inyong kaibigan sa kadahilanang ang mga nagbabasa daw ng "Bagong Tiktik" ay mga low class na tao, at sa kadahilanang din na ang inyong lingkod ay ibinibilang din ang kanyang katauhan sa low class na tao ay ibinabandurya ko sa lahat ng Pilipino sa buong mundo na ang "Bagong Tiktik" ay isang educational newspaper dahil marami akong natututunan dito bilang isang researcher ng kalikasan at kalusugan ng tao!
Ang aming "GUARDIANS Stop Global Warming Foundation, Inc." ay isa din sa mga nabibilang na Charitable Institutions sa ating bansa, at isa din sa aming ipinaglalaban ang kapakanan ng mga kababayan nating mahihirap, bukod sa panga-ngalaga ng ating kalikasan!
Ang tanging puna lang namin sa Meralco ngayong mga panahong ito na nagbabalak na namang magtaas ng kanilang singilin sa koryente ay asikasuhin naman nila ang mga illegal connections na nagpapadag-dag pa ng pasanin ng mga taong nagbabayad ng legal sa kanilang kumpanya, at yung mga hindi nagbabayad katulad ng mga Munisipyo na lumalaki ang utang sa kanila ay huwag naman nilang idagdag sa mga kustomer, at katulad ng nakasulat sa itaas baka pati ang mga bahay ng mga may-ari ay walang metro na sinisingil sa mga kustomer, ang tawag dito ay COB o charge to business kaya ipapataw talaga sa mga kustomer!
At yung mga nagbabalak daw na magpetisyon na huwag itaas, ang tawag dito moro-moro dahil tiyak din na ito ay tataas dahil ang katwiran, kesa mawalan ng ilaw e magbayad ng mahal, dahil malulugi daw sila at mataas ang bili nila sa supplier ng kuryente.
Ok, mataas na kung mataas, pero wala naman na halos silang mga empleyadong binabayaran dahil kontraktual na ang mga empleyado, wala ng bunos, wala ng benepisyo, kaya sobra-sobra ang kanilang kinikita, at nakakatiyak pa ang nakakarami, hindi maayos ang mga pagbabayad nila ng buwis katulad ng ibang malalaking kumpanya, marami ang makikipag-pustahan dito kung patitignan ang libro!
Pilipino ba ang mga taong ito, palagay ko hindi Pilipino ang namumuhunan dito, kaya walang awa sa mga naghihirap na Pilipino, biro ninyo, ang bayad natin sa kuryente pinakamataas sa Asia at kung ikukumpara mo sa cost of living ang pera ay mas mataas pa tayo sa Amerika!
Bakit kaya ang mga mambabatas natin ay hindi gumagawa ng batas na magkaroon ng panibagong kumpanya na magbibigay ng panibagong serbisyo ng kuryente, o gawing 110 volts lang ang kunsumo, siguro mababawasan ang sunog at yung sinasabi lagi ng Arson investigator na "Faulty Electrical Wiring" ay hindi na natin maririnig dahil pag-nag-short ang 110 volts at hindi pumutok ang fuse, siguradong sa ground o sa lupa mapupunta ang kuryente at hindi magkakasunog!
At kung sakali na gawing 110 volts ang serbisyo, puwede sa bansa natin ito dahil puro auto-volt na din ang mga lumalabas nating mga aplayanses, makakatipid na ang mga kustomer, malaking bagay pa ito sa ating kalikasan!
Sa pagtaas ulit ng kuryente, asahan na natin na darami uli ang sunog, dahil ang mga kumpanya na magbabayad ng legal sa Meralco ay tiyak na hindi kikita, ang remedyo nakawin ang kuryente, na magbibigay ng overload, kung hindi puputok ang transformer sa poste, tiyak na kumpanya niya ang masusunog, pero paano naman ang gagawin natin sa kanila, na nagbabayad din ng mga system loss?????????
Saturday, July 10, 2010
Ang kabataan ay ang tanging pag-asa ng ating kalikasan!
Ang kabataan ang pag-asa ng bayan, ang bukang-bibig natin noon, pero parang ang mga nangyayari sa ating bansa ngayon ay nagkakaroon ng mga magulong pag-iisip ang mga kabataan, na karamihan ay hindi nag-aaral gawa ng kakapusan ng pananalapi ng mga magulang, at kung sakaling may mga kakayahan naman ang magulang ay karamihan naman ay binabale-wala na din ang pag-aaral sa dahilang ang ating bansa ay nagiging aktibo sa kontraktuwalisasyon at naiisip nila siguro na wala ding pupuntahan magpursige man ng pag-aaral kaya't ang karamihan ay iniintindi na lang kung paano magkaka-negosyo, ang iba naman ay nalululong sa pagba-barkada kaya nagiging adik, basagulero, at nagiging batik ng lipunan, at sa mga kababaihan naman nating mga kabataan at may kagandahan ay napapasok naman sa mga Club, Beer house, o kaya ay naghahanap ng mga matandang gusto silang alagaan, kaya hindi na muna nating gagamitin ang mga salitang ito (Ang kabataan ang pag-asa ng bayan) bagkus ay ating ppiliting baguhin!
"Ang kabataan ay ang tanging pag-asa ng ating kalikasan", ito ang buod ng ating gagawing bagong proseso ng paglaban sa mga sumisira ng ating kalikasan at karukhaan sa ating bansa sa kadahilanang sila din ang makikinabang nito pag-dating ng araw, at gayundin, ang mga katandaan ay halos nawawala na ang pag-iisip kung kalikasan ang pag-uusapan!
Sa mga pag-aaral ng ating mga batas pang-kalikasan na ginawa para sa ating namamatay na kalikasan ay marami kaming nakitang butas o loop wholes na hindi makakatulong sa ating kalikasan sa dahilang pag ang ating hiningan ng tulong ay ang mga politiko ay karamihan ay walang maitutulong o ayaw tumulong dahil tiyak na maaapektuhan ang kanilang mga pansariling interes, kaya ang mga gagawin natin ngayon ay ang pagtutulak sa ating mga kabataan para sila ang mangasiwa sa pagsasa-ayos ng ating kalikasan at gayundin na din sa paghingi ng tulong sa mga mabubuti nating kababayan na may mga negosyo, kapalit ang paglalathala ng kanilang mga produkto sa ating mga website, maging sa mga ahensiya ng gobyerno na alam naming may mga pondo para sa ating kalikasan!
Ganito po ang ating gagawing mga plano para sa ating namamatay na kalikasan at ang tamang pagsasa-ayos ng ating kapaligiran, kalusugan, at kabuhayan:
1. Ang mga magtuturo ng tamang pagpa-plano at tamang pagpapanatili ng buhay ng ating kalikasan ay ang mga kabataang may edad na 18 hangang 25 na nabibilang sa mga "Sanguniang Kabataan", may mga talinong hindi nakatapos ng kolehiyo, mga scholars o mga kabataang tinutulungan ng mga Organisasyong kasapi sa "Save Our Nature Philippines Movement", ang siyang magtuturo sa mga Opisyales ng mga Barangay, mga Club, Organisasyon, Kooperatiba, Foundation, sa mga kababayan nating walang trabaho dahil kailangan natin sila sa mga proyektong pangkalikasan, at sa mga delegasyon ng mga eskuwelahan!
2. Ang mga magtuturo naman sa mga kabataan na magtuturo sa mga katandaan ay ang mga Opisyales ng mga Organisasyong nabibilang sa "Save Our Nature Philippines Movement" na siyang may mga pag-aaral para dito.
3. Ang mga ituturo ay ang mga sumusunod:
3.1. Ang tamang paglilinis at pagbuhay muli ng mga kailogan.
3.2. Ang tamang pagsasaayos ng mga basura o waste segregation process.
3.3. Ang tamang pagpapatakbo ng "Materials Recovery Facility" o lugar ng pagbawi muli ng mga materyales na papakinabangan pa!
3.4. Pag-gamit ng "Composting Machine" sa pag-gawa ng Organikong Pagkain ng hayop at pataba ng mga halaman!
3.5. Ang pag-gamit ng Bio-Waste Basket" o basurahang nakalaan para sa pagtulong sa mga "Materials Recovery Facilities"!
3.6. Ang pag-gamit ng "Bio-Inoculant Solution" o solusyong anyong tubig na isinasama sa mga tirang pagkain na gagamiting pataba ng halaman o pagkain ng hayop para manatiling sariwa at huwag bumaho habang hindi pa nagagawa!
3.7. Mga proyektong pangkabuhayan o livelihood na makakatulong sa ating kalikasan.
3.8. Organikong pagtatanim at paghahayupan o "Organic Farming"!
3.9. Organikong kainan o "Organic Restaurant"!
3.10. Ang tamang pag-gamit ng computer, at pag-gawa ng network ng sa gayun ay magkaroon ng sari-sariling network ang mga Barangay para mas madaling magkaroon ng sulosyon ang mga problema sa kalikasan at mga nasasakupan!
3.11. Pag-mimiyembro sa isang Kooperatiba o Foundation na tumutulong sa mga proyektong pangkabuhayan o livelihood.
3.12. Ano ang mga dapat inumin at kainin para humaba ang buhay.
3.13. Ang tamang pagpapakain sa mga bata o "Feeding Program", gayundin sa mga
"Medical Missions"!
3.14. Mga dapat gawin sa mga oras ng trahedya, sakuna, at kalamidad!
3.15. Pag-gawa ng murang pabahay, gamit ang mga mababawing materyales sa mga basura(Hindi namin isusulat kung paano at baka may gumaya na naman) pero ito ay mukhang bago at isusunod natin sa US Standard, para sa mga mahihirap nating mga kababayan!
3.16. Mga batas para sa kalikasan katulad ng "Ecological Solid Waste Act of 2000" na naging batas noong pang taong 2003 pero hangang ngayon ay hindi pa naipatutupad!
3.17. Pagtatanim, pag-ampon at pag-aalaga ng mga puno sa kagubatan!
3.18. Mga batas para sa kawangawa, napakarami na kasing Organisasyon ang hindi pa alam kung paano ito o ayaw sumunod sa batas!
3.19. At mga paraan kung paano natin mapipigil ang napipintong pag-init ng panahon na siyang sanhi ng mga pagbabago-bago ng klima!
Ang pinaka-buod ng ating mga gagawing pag-aaral at pagpapatupad ng mga gawain para sa ating kalikasan ay nagmula sa kautusan ng nakaraan nating pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa kanyang EO 774 Sec. 10 (b) na nagsasabing: Other government agencies and the entire "Filipino People" shall be made to understand and enjoined to fully cooperate and perform their respestive roles and responsibilities to face climate change! o Ang mga sangay ng gobyerno at ang lahat ng Pilipino ay kailangan ng maintindihan at magbigay ng lubos na kooperasyon at gamitin ang kanilang mga kagalingan at responsibilidad sa pagharap sa pagbabago ng klima!
Maliwanag ho ba? Kaya huwag sanang mabibigla kung kayo man ay may-ari ng isang kumpanya o isang Ehekutibo ng Gobyerno, o isang ordinaryong tao at makakatangap ng sulat sa amin na kami ay humihingi ng tulong, at ito po ay sa paraang alam ninyo, kahit na hindi pera o kahit dasal na lang na maisakatuparan ng "Guardians Stop Global Warming Foundation, Inc." ang mga proyekto para sa ating kalikasan!
Salamat po at mabuhay kayong mga bumasa ng blog na ito!
Founder Jimrey - Jaime Leandro Flores Reyes
Chairman - GUARDIANS Stop Global Warming Foundation, Inc.
Subscribe to:
Posts (Atom)