Meycauayan River

Wednesday, September 15, 2010

Bakit maraming nagagalit sa makakalikasan? (Part-2)




Bakit maraming nagagalit sa makakalikasan? (Part-2)

Sa araw na ito, September 15, 2010, ay tiyak na mas maraming magagalit sa makakalikasan dahil sa aking sinusulat na artikulo, sa ganang akin bilang isa sa tinatawag na makakalikasan (Environmentalist) ay sasabihin ko sa inyo na magalit na kayo sa akin dahil isusulat ko ito para sa aking mga kababayan at hindi ako natatakot kahit na ano ang gawin ng magagalit sa isang tunay makakalikasan!

Kung ikaw ay isang tunay na makakalikasan na nagmamahal sa iyong kapwa ay taos puso kang tutulong sa iyong mga kababayan at isa sa pagiging makakalikasan ay humanap ng mga likas na bagay na alam mong makakatulong sa iyong mga kababayan dahil nalalaman mo na sila ay nabibilang din sa mga likas na nilalang......

Ano ba ang problema natin ngayon, hindi ba ang sakit na dengue na naparami ng napipinsalang kalusugan at magkaminsan ay buhay.....ano-ano ba ang mga binibigay na mga sulosyon ng mga kinauukulan, sa aking palagay wala liban sa magbomba ng pamatay lamok na ang usok ay nakakasira din ng kalikasan, at ang magbigay ng mga paalala na ang mga tubig na naiimbak ay itapon o alisin sa inyong pamamahay dahil dito daw ay pinamumugaran ng mga lamok na sanhi ng dengue, at tignan kung may lagnat ang bata at kung dalawa hangang tatlong araw na hindi nawawala ay kailangan ng dalhin sa ospital, maraming sumusunod dito pero ang tanong bakit mayroong namamatay?

Minsan ko ng inilathala sa facebook.com na ang tawa-tawa, papaya, at saging na dahon ay maari talagang nakakataas o nagpapadami ng platelets ng isang pasyente pero bakit papasok sa isang mapanganib na pamamaraan, na kung nasa ospital na at dumurugo na ang ilong saka natin ito paiinumin ng katas ng dahon nito, hindi ba natin na naiisip na maari pa iyong komontra sa mga gamot na ibinibigay ng doktor?

Ang sakit na dengue na galing lamok ay hindi mawawala sa ating bansa "HANGANG" may maruruming kanal, pusali, ilog, at kapaligiran, kaya ang aking ipapayo sa inyo ay gumawa ng pangontrang bagay para ito "MAIWASAN", intindihin ninyong mabuti, para umiwas at hindi gumamot, ulitin ko ulit at baka hindi ninyo maintindindihan kung minsan ko lang isusulat, ito ay para "UMIWAS" at HINDI PARA GUMAMOT!!!!!!!!!!!!!!

Ang inyong mga anak ay posibling may kaklase, kaibigan, kamag-anak, at kakilala na nagkasakit na ng dengue kaya nandiyan lang sa tabi-tabi ang mga lamok na nakakagat sa nagkasakit at maaaring anytime ang inyo namang anak ang magkasakit, kaya habang maaga ay pilitin nating makagawa ng isang bagay na aking ituturo ngayon para magsilbing pangontra sa sakit na ito....

Sabi ko sa komento ko noong isang araw sa facebook na kahit na anong food supplement basta ang mga ensema (Enzymes) ay buhay ay kailangan ninyong painumin ang inyong mga anak para pangontra sa Dengue na ewan ko kung may sumunod dahil ang katwiran yata hindi nila alam kung anong brand ang binabanggit ko dahil sabi ko any brand.....

Ngayon para huwag kayong malito, ganito nalang gawin natin, "Make your own food supplement" o "Gumawa ng sariling tulong sa pagkain", ang pagkain ang isa pang dahilan kung bakit napakaraming sakit ang nauuso at naiimbento, mga kemikal na pagkain na posibli ding pinangagalingan ng sakit na Dengue....walang makakapagsabi kaya posible......

Tatlong sangkap lang ang ating paghahalo-haluin, hindi na kailangang ilista dahil nandiyan lang ito sa tabi-tabi.....kumuha ng 100 gramo ng lemon o kalamansi, 100 gramo ng carrot, at isang litro ng sabaw ng niyog.

Hugasang mabuti ang carrot at lemon o kalamansi, at kasama ang balat na ilagay sa blender at pinuhin mabuti ang dalawang sangkap, ihalo sa isang litrong sabaw ng niyog at haluing mabuti, salain pagkatapos at huwag tatakpan ang bote at ilagay sa malamig na lugar sa inyong bahay......huwag munang iinumin at hayaan munang mabuhay ang mga ensema ng tatlong sangkap na ito ng isang araw o 24 na oras, pagkalipas ng 24 oras at saka lang ito ilagay sa refrigerator at puwede ng ipainom sa inyong mga anak.....pilitin silang makatlong kutsara araw-araw, walang susunding oras kung hindi tatlong kutsara at maaring pagsabay-sabayin...

Ulitin natin ulit, hindi ito nakagagamot, ito ay nakakaiwas lang sa Dengue, bakit ko ito ipinipilit na ito ay inyong gawin, dahil mahal ko ang mga kababayan ko at ayoko silang mapapahamak........tiyak na marami na naman ang magagalit nito sa akin, dahil ang iba nating kababayan ay gustong maraming napapahamak dahil sa kanilang negosyo o pinag-aralan, mangilabot naman kayo at matakot sa ating panginoong Diyos!

Sa mga nagdududa sa aking isinulat, pumunta lang po sa wikipedia at i-research ang tatlong sangkap na ito, ang sabaw ng niyog ay may kaunting VCO na nakakatulong din para makaiwas sa Dengue, at ulitin natin ulit.....hindi ito pang-gamot, kundi pang-iwas lang, at kung gagawa kayo nito, bigyan na din ang mga bata sa inyong mga kapitbahay......salamat sa mga nagbasa at pagpalain nawa ng ating "Panginoong Diyos" ang mga bata nating kababayan at ang ating bansa....

Dalawa pang paalala, kung may lagnat ang inyong anak, kumuha ng lastiko o garter at ilagay sa braso ng bata ng mahigpit na pipigil sa kanyang dugo,pagkalipas ng tatlo hangang limang minuto ay pakawalan ang garter, tignan kung may parang butlig na bilog-bilog sa braso ng bata, at kung sakaling mayroon, huwag nang intayin pa ang dalawa tatlong araw, pumunta na agad sa pinakamalapit na ospital.....ang kulang sa kaalaman ang nakakapinsala kaya dapat maging alerto kayo ngayong panahong ito....

Ang aming pong isinulat na kombinasyon sa pag-gawa ng "Food Supplement" ay iba sa aming produktong "ES-VCO Extract" at "BIO-ALCA VIRGIN OIL" na inilalaban namin na tunay na nakagagaling ng karamdaman, pero hindi pa din naman ito isasapalaran sa sakit na Dengue.....mas mabuti na umiwas sa sakit na ito kesa pagalingin.....at hindi namin kailangan ang pera, ang nais namin ay makatulong.....

KILOS NA HABANG MAAGA......


I-share o ikalat na din po ang blog na ito sa inyong mga kaibigan, salamat po at GOD Bless....

Jaime Leandro F. Reyes
Chairman - Guardians Stop Global Warming Foundation, Inc.

I-klik lang po ang larawan ng ilog Meycauayan para sa mga karagdagang impormasyon...

1 comment:

manuel aler jr said...

Pwede ba coordinate kayo sa Local Government Unit, National Housing Authority, Department of Environment and National Resources na idem0olish na lahat ng Metro Manila Squatter, Marikina River, Manggahan Floodway at Napindan Channel Pasig, Lupang Arenda Taytay squatter, Laguna bay squatter mula San Pedro Laguna hanggang Sta Cruz Laguna na mademolish na marelocate na sa Northville San Jose del Monte City Bulacan, Southville Montalban Rizal Southville 8, Southville 9 Barras Rizal, Southville 7 Barangay Dayap Calauan Laguna.Coordinate LLDA DPWH MMDA NA alisin at linisin basura sa mga ilog sa Pilipinas. Taniman Geminina sa lahat ng lugal sa Pilipinas para mapigil na climate change. God bless. MANUEL ALER JR. CALAMBA CITY LAGUNA ANSWER