Created by the "GUARDIANS" : Gentlemen and United Associates of the (Filipino) Race, Dauntless and Ingenious Advocator for the Nation and Society!
Saturday, August 21, 2010
Bakit maraming nagagalit sa makakalikasan?
Bakit maraming nagagalit sa makakalikasan?
Bakit nga ho ba dito sa ating bansa ay maraming nagagalit sa makakalikasan? Gusto ho ba ninyo na isa-isahin natin?
Umpisahan natin sa pagkain, kung isa kang makakalikasan ay alam mo na yung mga kinakain mo ngayong gulay at prutas ngayong panahon ito ay nabuhay sa pamamagitan ng mga kemikal o abonong kemiko, nagamitan ng mga kemikong pamatay insekto at mga preserbatibo na alam mong nakakasira ng ating kalikasan. At kung ito ay alam mo at manghihimok ka ng mga tao na bumalik sa pagkain ng mga organiko, ay tiyak na maaapektuhan mo ang mga gumagawa ng mga kemikong abono,pamatay insekto, preserbatibo, at yung mga nagtatanim ng mga gulay at prutas na ginagamitan ng kemikong pataba ay tiyak malulugi kung wala ng bibili nito!
Alam ba natin na kahit saang sulok ng mundo ka pumunta, na ang mga tinatanim ng mga magsasaka na ginagamitan ng kemikong abono ay hindi nila kinakain? Ang kinakain nila sa kanilang mga pananim ay yung mga ginamitan nila ng mga organikong abono para nakasisiguro silang hindi ito makaka-apekto sa kanilang kalusugan, tama ba o mali?
Alam ba natin na kahit isa kang vegetarian o isang nilalang na hindi kumakain ng manok o baboy kung hindi prutas at gulay ay posible kang magkaroon ng kanser sa panahong ito? Ito ay dahil nga sa ating mga kinakain na may kemikong abono, kaya sino pa ang magagalit sa makakalikasan kung ibabalik natin ang sistema ng sinaunang pagtatanim, di ba ang mga manggagamot, wala silang magiging pasyente na sisingilin nila ng katakot-takot na halaga kahit hindi nila magamot dahil iyon ang kalakaran. Magkasakit ka at mamatay ka sa aking pangangalaga ay walang halaga sa akin dahil ang kailangan ko ay pera, at dito ako binabayaran, gumaling ka man o hindi!
Sa mga may hardware o nagtitinda ng mga kahoy na ginagawang mga gamit sa bahay o kaya mismong bahay na, isa sila sa magagalit sa iyo kung ipatitigil mo ang pagpuputol ng kahoy sa kagubatan. Sa mga pumuputol ng punungkahoy o lumberjack, di ba mawawalan sila ng hanapbuhay kung patitigil mo ito, yung mga may-ari ng trosohan, yung mga nagbibigay ng permit para magputol ang punong-kahoy na sila nilang pinagkakakitaan, di ba magagalit din sila sa makakalikasan!
Sa mga kontraktor at mga mayor ng mga siyudad, subukan mong pakialaman ang kanilang mga basura at tiyak magagalit sa iyo, mentras marami ang basura ay mas lalo silang natutuwa, bakit kanyo? Kung hindi ninyo alam ay mas maganda siguro na tanungin ninyo sila!
Sa mga nagmamantina ng mga imbakan ng basura o landfill, subukan mong huwag iyong tapunan ng basura ay tiyak na magagalit sa iyo,dahil ito ay negosyo, at wala kang karapatang ipatigil ito kahit na nakakasama ng kalikasan dahil ito ay aprobado ng mga kinauukulan na mga sakim sa p...!
Sa mga pabrikang walang habas na nagpapakawala ng mga basura at kemikal sa ilog, bakit ho ba hindi ito masawata, kaya mo ba itong pigilin bilang isang makakalikasan? Ito pa din ang isang problema, sasabihin lang sa iyo, nakapasa sila sa ECC o Environmental Compliance Certificate kahit na inuuod na ang kanilang itinatapon!!!!
Saan ka pa bilang isang makakalikasan, daming magagalit sa iyo pag pinigil mo ang mga ito ano?
Mahirap maging isang tunay na makakalikasan, kailangan nasa puso mo ito, damdamin at kaluluwa, at kailangan din na maging matapang ka na lumalaban sa mga naninira nito, pero paano kung wala kang kakampi, na halos lahat na ng tao sa buong mundo ay mga naninira na ng ating kalikasan,at nag-iisa ka na lang, wala silang pakialam dahil dito sila nabubuhay at malaking kawalan para sa kanila kung ito ay iyong pipigilan,sanay na sila dito, at ito ay kalakaran ngayong panahong ito, tumigil na lang ba dahil wala kang kalaban-laban?
Pero napakadami pang paraan, huwag kang sumuko sa iyong naumpisan, lalo na ngayong ang bago nating Presidente NoyNoy ay tumututok dito sa ating kalikasan, may kakampi ka na, kami, tayo, liban na lang kung isa kang pekeng makakalikasan at makakalaban mo din kami?
Alam ninyo po ba kung sino ang pekeng makakalikasan, ito po ang mga taong wala ng iniisip kung hindi gastusin ang mga pondong nakalaan para sa ating kalikasan na wala namang ginagawa, kung hindi ninyo alam kung sino-sino ito, mag-obserba na lang kayo, makinig ng mga balita, manood ng TV, at kalaunan ay malalaman din ninyo, dahil malapit na silang mabuko!
Idagdag pa natin ito, ang mga grupong makakalikasan daw na nanghihingi ng donasyon sa mga kumpanya pero wala naman alam gawin kung hindi gumawa ng event na pangkalikasan minsan isang taon, na lubos na ikanatutuwa ng mga kumpanya, bakit ho ba nagkaganoon, dahil hindi sila nagbibigay ng resibo o katunayan na tinangap nila ang ganuong halaga,kaya ang mga kumpanya ay nai-komersiyal na tumubo pa dahil ito ay ipang-babawas nila ng buwis ng sobra-sobra sa pagbayad sa ating gobyerno. Kaya kung ikaw ay isang tunay na makakalikasan na legal sa lahat ng bagay, katulad ng mga lesensiya sa Siyudad, BIR, at DSWD, tiyak na maraming magagalit sa iyo.....dahil makakagalit mo din sila....saan pa tayo ba talaga patungo????????
Salamat po sa pagbasa at nawa'y pagpalain ng ating "panginoong Diyos" ang ating bansa, at bigyan pa tayo ng pagkakataon na makabawi sa mga kasalanan natin sa ating "Inang Kalikasan" na siya ang may-gawa!
Makakalikasan
Ang lathalaing inyong nabasa ay isasama sa aklat na "Sagipin ang Kalikasan sa Pilipinas!
Mangyaring i-klik ang larawan ng Ilog Meycauayan para sa karagdagang impormasyon!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
6 comments:
hindi naman natin dapat na lubusang ipatigil ang mga nakagawian ng gawain.In one way or another eh may mga tao tayong maaapektuhan sa bawat kilos at galaw natin. We can't deny the fact na merong mga taong kumikita at nabubuhay,legal man o ilegal sa mga gawaing nakakasira sa ating kalikaasan, and basically, kailangan din naman natin ang mga ganitong serbisyo sa buhay natin, kahit pa ba nakakasira nga ito sa kalikasan natin. Ngayon po, angh kailangan natin ay turuan ng tamang disiplina at responsibvilidad ang mga taong ito...Hindi tama na kumikita habang ang iba ay nagdurusa...kunin mo ang lahat ng bagay na para sayo, pero ibalik mo sa kalikasan ang mga bagay na para sa kalikasan...kapag nagputol ka ng puno, magtanim ka ng kapalit....ang sanitary landfill ay isang mabisang paraan ng waste disposal kung maisasakatuparan ng maayos ang mga pamantayan nito...pero kaspag nagkaroon ng kapabayaan at pag abuso, doon magsisimula ang tahasang pagsira sa kalikasan.
sa akin pong palagay, ang bkailangan natin ngayon ay tamang edukasyon sa mga bagong kabataan. turuan natin silang maging responsable at wag ng pamarisan ang kanilang mga magulang sa mga ginawa nilang mali.
Ron
we can't control the earth's climate or influence it in any way. We are here for the ride, and when mother nature gets tired of us, she will bump all of us off.
Ron, sorry ngayon ko lang nakita komento mo, for the info tungkol sa landfill click mo ang http//virginpecopro.net/no_to_landfill, ang ating inilalaban ngayong panahong ito ay alternatibo sa lahat ng bagay ns sumisira ng ating kalikasan, at yung sinasabi mo na pagpapalit sa mga pinuputol sa punong-kahoy di yan nangyayari dito sa Luzon at Mindanao, mapalad kayong mga taga-Cebu kung ang panuntunan ito ay nagagawa ninyo....GOD Bless!
Di nga pala ito facebook, mali....he he....pindutin mo na lang yung picture ng Ilog ng Meycauayan at hanapin mo yung pahina ng "No to Landfill", salamat...
kung minsan kase sa di po sinasadya di po natin alam na ang mga simpleng ginagawa natin e maari pa lng makasira sa ating kalikasan...
kase nga po salat ang karamihan sa kaalaman...
kaya nga po sana wag po kayung susuko...
kahit po akala nyo po walang sumusoporta sa inyo...
sa totoo lng malaking tulong po kayo...
kung hihinto po kayo lalo na po na wala ng mag papaalala na dapat din nating alagaan ang ating kalikasan katulad ng pag aalaga natin sa ating sarile...
sa totoo lng po ang moto ko sa buhay e WALANG SINO MAN ANG NA BUBUHAY PARA SASARILE LAMANG...
kaya wag po kayung pang hinaan...
pasasaan bat mauunawaan din ng mga tao ang magandang dulot na inyung mithiin...
GOD BLESS PO..
Salamat Pia, sana katulad mo lahat ng Pilipino, hindi kasi ganoon ang nangyayari, alam nila na ito ay nakakasira ng kalikasan pero ipinipilit pa din nila yun mga naumpisang nila na napakahirap nilang hintuan, katulad na lang ng landfill, ang mga tumututol dito gusto lang magkapera, pag pinasakan mo na ng pera hindi na kikibo, kami hindi naman ganoon dahil pang alternatibo ang gusto naming sulosyun, tuloy nila yung landfill pero tatabihan ko ng MRF, ayaw din nila yung sistema ko dahil matututo ng segregation ang tao na makakabawas sa hahakutin ng trak ng kontraktor....nakukuha mo ba ang logic, sana ibigay na lang ng mga munisipyo sa mga makakalikasang grupo ang pondo nila sa basura na napakaimposibling mangyari dahil nandito ang sinasabing pera sa basura, kaso gusto sila lang ang nagkakapera.....
Post a Comment