Meycauayan River

Wednesday, August 4, 2010

Composting Machine, Isa din akong tanga, ika'tlong bahagi


Composting Machine,Isa din akong tanga - Ika'tlong bahagi. Kung kayo ay nagbabasa ang aking mga blog, siguro ito na ang huli kong isusulat na isa din akong tanga at baka maniwala kayo sa akin e hindi na kayo magbasa ng mga blog ko. Sa mga susunod kong blog, huwag po kayong magagalit pag tinatamaan kayo ng salitang tanga, at least "tanga" lang ang walang ospital at kulungan kaya hindi masyadong masakit pakingan.

Sa nakaraan kong blog, sa sulat ko sabi ko tatalakayain ko ang dalawang kumpanya na aking ginawa na hindi ko na binuksang muli dahil sa kasakiman ng mga taong aking nakakausap ay mabuti pang huwag na lang ituloy ang operasyon, at magsimula ulit sa Foundation, may kinalaman ito sa aking mga ginagawa ngayon kaya huwag bibitaw, please....

Ang ating tatalakayin ngayon ay tungkol sa Composting Machine, Made in Korea!

Sa una kong kumpanya na itinigil ko ang pangongontrata sa pagkakabit ng telepono at sinubukan ko kung mapagtutugma ko sa aking services o serbisyo ang mga gamit para sa ating kalikasan, taong 2002 ay kinontak ko ang mga kumpanyang nasa Korea ang mga gumagawa ng "Composting Machine", ito ay ini-refer ng mga kaibigan kong mga enhenyerong Koreano at dahil may kumpanya naman ako ay sinubukan kong kontakin, at pinalad naman akong naka-kontak ng isang kumpanya na nagmagandang loob na pumunta pa sa ating bansa at tignan ang katayuan ng ating mga basura, nagkaroon kami ng series of the meeting at isinama ko pa sila sa San Pablo, Laguna upang tignan naman ang inererekomenda kong coco peat, na napakagandang isama sa basura para makagawa ng organikong abono, napaniwala ko naman sila at nagkaroon kami ng kasunduan,
magpapadala sila dito sa bansa natin ng makina at ako naman ay magpapadala ng coco peat sa kanilang bansa!

Pagkaalis nila, gumawa na ako ng mga letter of intent at ikinalat namin ng aking mga kasama sa mga munisipyo sa Bulacan dahil kailangan munang makapag-order ako ng makina bago ko ayusin ang coco-peat, sa awa ng demonyo walang sumagot at pumatol sa amin at kailangan yun daw administrador ang kausapin namin, yun lang ang pasabi at mapagusapan yung alam nyo na, so hindi ko pinatulan dahil magkakaroon ng under the table agreement, mga Mayor ang sinusulatan namin tapos yung administrator ang pinakakausap, hindi ko pinatulan ito at naghanap ako ng mga mayayamang tao na manga-ngapital para dito ay sila na ang mag-usap ng administrador para lihis sa gusto ko mangyari at hindi ako makonsensiya, at nagkamali ako ng nilapitan na inerekomenda ng isang kaibigan, mayaman talaga ang taong ito at mayroon siyang trucking business bukod pa mga motor shop na sikat, mabait siya sa umpisa at akala ko nakakita ako ng tao, di pala ito tao, demonyo pala, kaya lang pala naki-kipagusap sa akin ay tinitignan niya kung maapektuhan ang business niyang taga-hakot ng basura, marami siyang trak na ginagamit pala sa pangongontrata sa mga munisipyo para humakot ng basura, kaya sa loob-loob ko, paano pa kaya ang gagawin ko, munisipyo ayaw makipagusap sa amin, yung dapat makipagusap hindi naman pala gagawin at gusto lang akong sirain, kaya tinawagan ko yung mga Koreano at sinabi kong wala akong kleyenteng mairerekomenda sa kanila, nasira na din ang usapan sa coco peat, dahil walang munisipyong gustong kumuha, at wala ding mangapital dahil ang sistema pala dito sa bansa natin ay "Kontrata sa basura para magkapera" at ang mga kumikita lang ay yung mga Mayor, kontraktor, at gumawa at nagpapatakbo ng sinasabi nilang landfill o dumpsite na ginagawa pa hangang ngayong taong 2010!

Ang batas na RA 9003 na sinimulang gawin noong 2000 dahil sa "Payatas Tragedy" ay naging tuluyang batas noong pang taong 2003 ay isang hilaw na batas, nandoon ang segregation, composting, pero nandoon din ang landfill, para hindi kayo tanga ito lang masasabi kong kailangan malaman ninyo. Ang segregation ay walang halaga kung ginagawa man dahil ang takbo niyan ay landfill na hindi naman kailangan i-segregate pa o paghiwahiwalayin, talagang mula't sapol naman ay inihihiwalay na ang mga papakinabangan pa, ang composting machine na local made na ipinamahagi at inutang sa gobyerno na ginagawa kuno ngayon ay pakitang tao lang dahil puro kalawang na at hindi mapatakbo, ito ay pinagkakuwartahan lang ng mga makakalikasang grupo daw at mga taong gobyerno na puro pera ang iniintindi....

Bakit ako naging tanga? Ito ay dahil hindi ko ginamit ang mga nalalaman ko para sumama at pagbigyan ang mga taong ito na puro hidhid sa pera, mayaman na siguro ako ngayon dahil bibilhin lang ang makina pero hindi naman gagamitin. Kung hindi natin babaguhin ang sistema ng ating mga basura ay "Kaawaan nawa ng Diyos ang ating mga kaluluwa" dahil napakadami na ng mga taong namatay at napinsala nito......

Yung isang kumpanya, ito ay tungkol naman sa kalusugan, na akin ding tatalakayin sa mga susunod kong mga blog, saka na muna iyon at baka tamadin na kayong bumasa kung isusulat ko lahat ngayon!

I-klik ang "ilog Meycauayan" sa itaas at ng makita ang aming teknolohiya, hanapin ang pahinang services, kahit isang daang taon ay hindi kakalawangin ang aming composting machine, local made na din ito, at malaman na din ang aming mga ginagawa para sa ating namamatay na kalikasan!!!!

No comments: