Created by the "GUARDIANS" : Gentlemen and United Associates of the (Filipino) Race, Dauntless and Ingenious Advocator for the Nation and Society!
Monday, August 2, 2010
Isa din akong tanga - Ikalawang bahagi
Isa din akong tanga - Ikalawang bahagi. Ang lagi nating tatalakaying sa ating mga blog ay ang mga pangyayari sa buhay ng inyong kaibigan tungkol sa kanyang pagiging tanga, para naman yung mga nagagalit pag sinasabi o isinusulat na ngayon ay "Panahon ng mga tanga" o "Age of Idiots" ay hindi sila masyadong masaktan kung sila man ay tinatamaan!
Maraming nagtatanong noong bago pa lang akong dating galing Amerika na bakit ako gumawa ng Foundation na may kakabit na pangalang GUARDIANS imbes na isang kumpanya dahil marami akong tuklas na mga produkto at makinarya (Walo ang aking nagawang USA Copyrighted Materials sa Amerika)na makakatulong sa ating kalikasan at kalusugan na tiyak na tatangkilikin ng tao, katangahan ba ito o ano?
Umpisahan muna natin sa GUARDIANS, tanga ba ako sa pagsali sa grupong ito? Kung ang isang kasapi ng organisasyon ng GUARDIANS ay isasa-damdamin ang ibig sabihin ng GUARDIANS ay hindi siya tanga at sasabihin kong isa ako dito, dahil ang ibig sabihin ng GUARDIANS ay Gentlemen and United Associates of the "Filipino" Race, Dauntless and Ingenious Advocator for Nation and Society o sa Tagalog ay "Mga maginoo at nagkakaisang katuwang ng lahing "Pilipino", magigiting at matatapat na taga-pagturo at taga-pagtangol ng bansa at lipunan. Kaya ang pangalang GUARDIANS ay ikinabit ko sa aking "Guardians Stop Global Warming Foundation, Inc."!
Ang aking Foundation ba ay kabilang sa 62 na faction ng GUARDIANS? Hindi po, dahil ito ay Foundation na kinabibilangan ng mga "GUARDIANS Environmentalists" na may tattoo, at "Guardians of Humanity and Nature", mga walang tattoo na mamamayan na gustong tumulong sa namamatay nating kalikasan, ito po ay nahahati sa dalawang dibisyon, kaya hindi po ito faction at welcome po lahat ng mga mamamayan ng Pilipinas na sumali dito, kahit na siya ay mahirap, walang trabaho, hindi nakapag-aral, basta ang una naming requirement ng pagiging miyembro ay "Pagmamahal sa kapwa, kalikasan, at bayan" na mahirap makita sa mayayaman, kaya halos lahat ng sumasali dito ay mas marami ang mahirap!
Kaya naman yung lang ang hinahanap naming requirement o kailangan sa pagiging miyembro ay dahil sa ang Foundation na ito ay mas marami ang mga aktibidades sa pagbibigay ng mga pangkabuhayang proyekto (Livelihood)at hanapbuhay sa mga walang trabaho, at pagtuturo sa mga hindi nakapag-aral kung paano bubuhayin muli ang namamatay nating kalikasan at tumulong para ito gawain, na hindi naman kailangan ng mga mayayaman nating kababayan, kaya kung sila man (Mayayaman)ay gustong sumapi ay dalawa ang pagpipilian nila, bilang isang regular na miyembro na tumutulong sa kapwa o taga-pagtaguyod(Sponsor) ng ating Foundation!
Balik tayo sa unang tanong, bakit hindi kumpanya at Foundation ang ginawa ko? Sa mga hindi nakakaalam, dalawa ang kumpanyang ginawa at sinalihan ng inyong kaibigan noong bago siya umalis papuntang Amerika, ito po ay ang JERNSTEC, Inc., at Lunas Kalusugan Corporation, Inc, parehong puwedeng buhayin dahil "stop Operation" ang kategorya nito, ngunit dahil sa mga eksperyensiya sa dalawang kumpanyang ito, na nangingibabaw ang kasakiman kaysa pagtulong, ay minabuti na lang na ito ay tuluyang isara!
Ngayon kung bakit ko ibinibilang ang sarili ko sa mga tanga ay mababasa sa ikatlong bahagi ng "Isa din akong tanga", na may kinalaman sa dalawang korporasyon, subaybayan ninyo po sana ang mga blog na ginagawa ng inyong lingkod para maging handa tayo sa pagbabago ng klima, para sa mga karagdagang impormasyon, i-klik lang po ang "larawan ng Ilog Meycauayan" sa itaas nito!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment