Meycauayan River

Wednesday, September 2, 2009

Contaminated Fish/Kontaminadong Isda?


Nakalulungkot isipin na ang mga nanunungkulan ay walang pagpapahalaga sa ating kalikasan, isa lang ang panalangin ko para para sa kanila, na sana wala na sila sa panahon ng paniningil ng ating inang kalikasan nang sa gayun ay hindi na sila magsisi sa idinulot nilang paglapastangan sa ating kalikasan!
Masakit isipin na ang mga perang nakalaan para sa pangangalaga ng ating kalikasan ay kanilang ibinubulsa at ginagamit ng pansarili at kahit na anong nakikita sa pagbabago-bago ng klima ay ipinagwa-walang bahala!
Tunay po na ang GUARDIANS Stop Global Warming Foundation, Inc. ay humihingi ng tulong sa mga nanunungkulan sa mga Munisipyo at mga Lungsod dahil sa pagbabakasakaling naiintindihan nila ang Executive Order ng Pangulo ng Pilipinas na ang mga pambayad nila ng buwis ay puwedeng bawasan kung gagamitin sa pangangalaga ng ating Kalikasan, at aming din pong reresibuhan para maibawas sa kanilang pagbabayad ng buwis, dahil kami din po ay isa ng ahensya ng ating Gobyerno dahil sa pagsapi (Accreditation) sa Department of Social Welfare and Development.
Huwag nyo pong ipagkamali na hinihingi namin ang pondo ninyo para sa inyong mga nasasakupan, maliwanag naman po ang mga nakalagay sa aming mga sulat, ginagamit namin ang Executive Order 720 ng ating Pangulo ng sa gayun ay di nyo na mabawasan ang perang ibinubulsa ninyo, o pati pambayad ninyo ng buwis ay gusto nyo na ding ibulsa?
Ang amin pong Foundation ay nangangalap ng perang gagamitin sa ating mga namamatay na mga ilog, isa na po ang mga pagbebenta namin ng mga pangkalusugang bagay para makaipon ng pondo, pero hindi po sasapat ang mga perang maiipon ng dahil lang sa mga produktong ito, mangangailangan pa tayo ng mga limang taon para masimulan ang proyektong "Rivers Recovery Program" o "Pagbawi ng ating mga kailogan kung walang tutulong sa amin!
Ang problema po ng ating mga kailogan ay hindi lang problema ng mga bayan sa Bulacan, ang mga taong naninirahan sa mga kalapit lungsod katulad ng Caloocan, Malabon, Navotas, Manila, Quezon City, at iba pa, ay posibling makakain ng mga isda na huli sa mga palaisdaan sa Bulacan, at alam nyo ba na kung sakaling makontamina ng mga maruruming ilog ang mga isdang nahuhuli dito, ano ho kaya ang mangyari, another Aparri Tragedy?, alalahanin po natin ang pawikang lumason sa mahigit dalawang daang katao at pumatay ng tatlong bata, dahil sa ang pawikan ay nakakain ng lason o nakontamina sa dumi ng ating karagatan ay pumatay ng tao dahil ito ay nakain!
Ang pawikan ay walang lason, ang mga isda ay walang lason, pero dahil sa dumi ng tubig na kanilang nagagalawan sa NGAYON, ITO AY POSIBLING MAKALASON!
Ang "GUARDIANS Stop Global Warming Foundation, Inc. ay nakatangap ng sagot na sulat at inihulog pa sa koreo galing sa isang malaking lungsod sa Metro Manila at sinasabing hindi daw matutulungan ang ating proyektong "Rivers Recovery Program" dahil daw sa "financial constraints at this time", wala bang nagbabayad ng buwis sa Lungsod na ito, at ito ang dinadahilan o talagang gusto din nilang kurakutin ang pang-buwis, o hindi marunong bumasa ng englis ng mga nanunungkulan dito, amin pong ihahayag sa aming website: http://virginpecopro.net ang lungsod na ito at ang pangalan ng Sekretaryo ng Mayor sa tamang panahon dahil siya ang pumirma ng sagot sa amin, kaawaan sana kayo ng DIYOS sa panahon ng pagsingil ng ating inang kalikasan!

Sa ngayon, buwan ng Hulyo, taong 2010, muli kaming manghihikayat ng mga taong tutulong sa amin, pero hindi na muna kami hihingi ng tulong sa mga Munisipyo at Siyudad, nauubos lang ang panahon namin at konting pera sa mga gamit tulad ng papel, tinta sa computer, pang-gasolina o pamasahe. Ang hihingan naman namin ng tulong ay yung mga ahensiya ng gobyerno na may pondo at batas na nakapaloob dito sa pangangalaga ng ating kalikasan, gayundin ang mga kumpanya na may mabubuting kalooban ang may-ari at hindi munang gagamitin ito sa derektang paglilinis ng ating mga kailogan, kung hindi ang pagtuturo sa mga kabataan ng tamang pangangalaga ng ating kalikasan at pagbuhay muli ng ating mga kailogan, at sila naman ang magtuturo sa mga katandaan na walang pinag-katandaan kung ang paguusapan ay ang ating kalikasan.

Tulong lang ho o suporta ang aming ipanghihingi muna ngayon para sa mga seminar o maikling pag-aaral ng ating mga kabataan, at lahat naman ng aming mahihingi ay aming papalitan na inyo ding papakinabangan tulad ng pag-iisponsor ng aming website na inyo naman din pong maibabawas sa inyong mga buwis sa pagbabayad ninyo sa ating gobyerno, at iba-blog na din namin ang mga mga pangalan ng ahensiya ng gobyerno at mga kumpanya na ayaw tumulong, at ang mga ito ay isusumbong natin sa ating bagong Pangulong NoyNoy, salamat ho sa pag-basa!

No comments: