Created by the "GUARDIANS" : Gentlemen and United Associates of the (Filipino) Race, Dauntless and Ingenious Advocator for the Nation and Society!
Saturday, August 22, 2009
Environmental Terrorist!
Kanina, sa aking mga pagbasa ng mga talata tungkol sa ating kalikasan ay nakita ko ang katagang "Environmental Terrorist", sa totoo lang ngayong ko lang nakita ang mga katagang ito, mayroon pala nito, wala kayang matinong mambabatas ang kayang gumawa ng batas para ito malipol?
Kung gayun, ito ang mga kalaban ng mga grupong makalikasan, pero kung sa paglipol ng mga taong ito o sa pagkulong sa kanila ay tiyak na wala ng matitirang tao sa ibabaw ng mundo na makalalaya!
Bakit po kanyo, umpisahan natin sa mga nanunungkulan na nagbibigay ng mga lisensya sa mga pabrika para magtapon ng mga kemikal sa ating mga kailogan, kahit na alam nilang ito ay nakamamatay ng ilog ay kanilang nabibigyan dahil sa kaunting pabuya, hindi po ba nating sila ibibilang sa mga terorista ng kalikasan?
Sa mga nanunungkulan uli, kahit na sila ay may pondo para sa panga-ngalaga ng ating kalikasan ay hindi ginagamit, bagkus ito ay napupunta sa ibang bagay na ikasisikat o ikagiginhawa nila, di din po ba natin sila ibibilang sa mga terorista ng kalikasan?
Sa mga pumuputol ng mga punong-kahoy, sa mga nag-mimina, sa mga nagtatapon ng mga basura at lason sa mga dagat, lawa, at mga kailogan, sa mga hindi tumutupad sa batas na kailangan ng sinupin ang mga basura, sa mga pabrika na walang habas na nagpapakawala ng mga usok, sa mga nagpapatakbo ng sasakyan na alam nilang hindi pumapasa ang usok na lumalabas sa tambutso pero dahil nagkalagayan ito ay pinata-takbo, sa mga patuloy na gumagamit ng dumpsite o imbakan ng mga basura, sa patuloy ng pagtatapon ng plastik sa mga kanal, ilog, lawa, dagat na alam naman nating tunay na nakasisira ng kalikasan!
Ito ang pinaka-matindi, ang patuloy na pagpapagamit ng koryente na 220 boltahe, kahit na tayong bansa na lang halos ang gumagamit nito, bakit walang magpasok ng batas na kailangan na tayong gumamit ng 110 boltahe, makatitipid na, ang laki-laki pa ng maitutulong sa ating kalikasan, marami na tayong auto-volt na gamit ngayon, at madali din ang pagko-convert ng mga gamit o aplayanses, kung hindi nyo alam, ituturo namin sa inyo, o kabilang kayo sa terorista ng kalikasan?
Pag may sunog, lagi na sinasabi, faulty electrical wiring, tama ho dahil sa dami ng overload na pag-gamit o ilegal na pag-gamit, kung 110 na ang gamit natin, mababawasan pa ang sunog, ang mga sunog ay labis ding nakasisira ng ating kalikasan, kaya ang mga gumagamit ng 220 boltahe ay maituturing din nating terorista ng kalikasan!
Mayroon pa ho bang matitirang hindi terorista ng kalikasan, sa palagay ko, wala na.....
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment