Meycauayan River

Wednesday, September 2, 2009

Contaminated Fish/Kontaminadong Isda?


Nakalulungkot isipin na ang mga nanunungkulan ay walang pagpapahalaga sa ating kalikasan, isa lang ang panalangin ko para para sa kanila, na sana wala na sila sa panahon ng paniningil ng ating inang kalikasan nang sa gayun ay hindi na sila magsisi sa idinulot nilang paglapastangan sa ating kalikasan!
Masakit isipin na ang mga perang nakalaan para sa pangangalaga ng ating kalikasan ay kanilang ibinubulsa at ginagamit ng pansarili at kahit na anong nakikita sa pagbabago-bago ng klima ay ipinagwa-walang bahala!
Tunay po na ang GUARDIANS Stop Global Warming Foundation, Inc. ay humihingi ng tulong sa mga nanunungkulan sa mga Munisipyo at mga Lungsod dahil sa pagbabakasakaling naiintindihan nila ang Executive Order ng Pangulo ng Pilipinas na ang mga pambayad nila ng buwis ay puwedeng bawasan kung gagamitin sa pangangalaga ng ating Kalikasan, at aming din pong reresibuhan para maibawas sa kanilang pagbabayad ng buwis, dahil kami din po ay isa ng ahensya ng ating Gobyerno dahil sa pagsapi (Accreditation) sa Department of Social Welfare and Development.
Huwag nyo pong ipagkamali na hinihingi namin ang pondo ninyo para sa inyong mga nasasakupan, maliwanag naman po ang mga nakalagay sa aming mga sulat, ginagamit namin ang Executive Order 720 ng ating Pangulo ng sa gayun ay di nyo na mabawasan ang perang ibinubulsa ninyo, o pati pambayad ninyo ng buwis ay gusto nyo na ding ibulsa?
Ang amin pong Foundation ay nangangalap ng perang gagamitin sa ating mga namamatay na mga ilog, isa na po ang mga pagbebenta namin ng mga pangkalusugang bagay para makaipon ng pondo, pero hindi po sasapat ang mga perang maiipon ng dahil lang sa mga produktong ito, mangangailangan pa tayo ng mga limang taon para masimulan ang proyektong "Rivers Recovery Program" o "Pagbawi ng ating mga kailogan kung walang tutulong sa amin!
Ang problema po ng ating mga kailogan ay hindi lang problema ng mga bayan sa Bulacan, ang mga taong naninirahan sa mga kalapit lungsod katulad ng Caloocan, Malabon, Navotas, Manila, Quezon City, at iba pa, ay posibling makakain ng mga isda na huli sa mga palaisdaan sa Bulacan, at alam nyo ba na kung sakaling makontamina ng mga maruruming ilog ang mga isdang nahuhuli dito, ano ho kaya ang mangyari, another Aparri Tragedy?, alalahanin po natin ang pawikang lumason sa mahigit dalawang daang katao at pumatay ng tatlong bata, dahil sa ang pawikan ay nakakain ng lason o nakontamina sa dumi ng ating karagatan ay pumatay ng tao dahil ito ay nakain!
Ang pawikan ay walang lason, ang mga isda ay walang lason, pero dahil sa dumi ng tubig na kanilang nagagalawan sa NGAYON, ITO AY POSIBLING MAKALASON!
Ang "GUARDIANS Stop Global Warming Foundation, Inc. ay nakatangap ng sagot na sulat at inihulog pa sa koreo galing sa isang malaking lungsod sa Metro Manila at sinasabing hindi daw matutulungan ang ating proyektong "Rivers Recovery Program" dahil daw sa "financial constraints at this time", wala bang nagbabayad ng buwis sa Lungsod na ito, at ito ang dinadahilan o talagang gusto din nilang kurakutin ang pang-buwis, o hindi marunong bumasa ng englis ng mga nanunungkulan dito, amin pong ihahayag sa aming website: http://virginpecopro.net ang lungsod na ito at ang pangalan ng Sekretaryo ng Mayor sa tamang panahon dahil siya ang pumirma ng sagot sa amin, kaawaan sana kayo ng DIYOS sa panahon ng pagsingil ng ating inang kalikasan!

Sa ngayon, buwan ng Hulyo, taong 2010, muli kaming manghihikayat ng mga taong tutulong sa amin, pero hindi na muna kami hihingi ng tulong sa mga Munisipyo at Siyudad, nauubos lang ang panahon namin at konting pera sa mga gamit tulad ng papel, tinta sa computer, pang-gasolina o pamasahe. Ang hihingan naman namin ng tulong ay yung mga ahensiya ng gobyerno na may pondo at batas na nakapaloob dito sa pangangalaga ng ating kalikasan, gayundin ang mga kumpanya na may mabubuting kalooban ang may-ari at hindi munang gagamitin ito sa derektang paglilinis ng ating mga kailogan, kung hindi ang pagtuturo sa mga kabataan ng tamang pangangalaga ng ating kalikasan at pagbuhay muli ng ating mga kailogan, at sila naman ang magtuturo sa mga katandaan na walang pinag-katandaan kung ang paguusapan ay ang ating kalikasan.

Tulong lang ho o suporta ang aming ipanghihingi muna ngayon para sa mga seminar o maikling pag-aaral ng ating mga kabataan, at lahat naman ng aming mahihingi ay aming papalitan na inyo ding papakinabangan tulad ng pag-iisponsor ng aming website na inyo naman din pong maibabawas sa inyong mga buwis sa pagbabayad ninyo sa ating gobyerno, at iba-blog na din namin ang mga mga pangalan ng ahensiya ng gobyerno at mga kumpanya na ayaw tumulong, at ang mga ito ay isusumbong natin sa ating bagong Pangulong NoyNoy, salamat ho sa pag-basa!

Saturday, August 22, 2009

Environmental Terrorist!



Kanina, sa aking mga pagbasa ng mga talata tungkol sa ating kalikasan ay nakita ko ang katagang "Environmental Terrorist", sa totoo lang ngayong ko lang nakita ang mga katagang ito, mayroon pala nito, wala kayang matinong mambabatas ang kayang gumawa ng batas para ito malipol?

Kung gayun, ito ang mga kalaban ng mga grupong makalikasan, pero kung sa paglipol ng mga taong ito o sa pagkulong sa kanila ay tiyak na wala ng matitirang tao sa ibabaw ng mundo na makalalaya!

Bakit po kanyo, umpisahan natin sa mga nanunungkulan na nagbibigay ng mga lisensya sa mga pabrika para magtapon ng mga kemikal sa ating mga kailogan, kahit na alam nilang ito ay nakamamatay ng ilog ay kanilang nabibigyan dahil sa kaunting pabuya, hindi po ba nating sila ibibilang sa mga terorista ng kalikasan?

Sa mga nanunungkulan uli, kahit na sila ay may pondo para sa panga-ngalaga ng ating kalikasan ay hindi ginagamit, bagkus ito ay napupunta sa ibang bagay na ikasisikat o ikagiginhawa nila, di din po ba natin sila ibibilang sa mga terorista ng kalikasan?

Sa mga pumuputol ng mga punong-kahoy, sa mga nag-mimina, sa mga nagtatapon ng mga basura at lason sa mga dagat, lawa, at mga kailogan, sa mga hindi tumutupad sa batas na kailangan ng sinupin ang mga basura, sa mga pabrika na walang habas na nagpapakawala ng mga usok, sa mga nagpapatakbo ng sasakyan na alam nilang hindi pumapasa ang usok na lumalabas sa tambutso pero dahil nagkalagayan ito ay pinata-takbo, sa mga patuloy na gumagamit ng dumpsite o imbakan ng mga basura, sa patuloy ng pagtatapon ng plastik sa mga kanal, ilog, lawa, dagat na alam naman nating tunay na nakasisira ng kalikasan!

Ito ang pinaka-matindi, ang patuloy na pagpapagamit ng koryente na 220 boltahe, kahit na tayong bansa na lang halos ang gumagamit nito, bakit walang magpasok ng batas na kailangan na tayong gumamit ng 110 boltahe, makatitipid na, ang laki-laki pa ng maitutulong sa ating kalikasan, marami na tayong auto-volt na gamit ngayon, at madali din ang pagko-convert ng mga gamit o aplayanses, kung hindi nyo alam, ituturo namin sa inyo, o kabilang kayo sa terorista ng kalikasan?

Pag may sunog, lagi na sinasabi, faulty electrical wiring, tama ho dahil sa dami ng overload na pag-gamit o ilegal na pag-gamit, kung 110 na ang gamit natin, mababawasan pa ang sunog, ang mga sunog ay labis ding nakasisira ng ating kalikasan, kaya ang mga gumagamit ng 220 boltahe ay maituturing din nating terorista ng kalikasan!

Mayroon pa ho bang matitirang hindi terorista ng kalikasan, sa palagay ko, wala na.....

Friday, August 21, 2009

Namamatay nating Kalikasan!


Wala na ba talagang pag-asa ang namamatay nating kalikasan, sadya ba na ginawa ng Diyos ang ating kalikasan upang sirain at lapastanganin ng mga tao, hihintayin na lang ba natin ang kanyang ganti upang malaman natin na hindi natin siya dapat patayin, bagkus ay ating pagyamanin!

Hinihikayat namin ang lahat ng grupo na sinasabing makalikasan upang tayo ay magkatulong-tulong na muling buhayin ang namamatay nating kalikasan, at pagusapan kung paano ang mga gagawin, wala ho ditong parada, wala ho ditong pagpatay ng ilaw, wala ding boluntaryo, kung hindi puro aktual na implementasyon, ito ho ang isinusulong namin!

Ang una naming proyekto ay ang pagbuhay muli ng ating mga kailogan gaya ng Meycauayan, Marilao, at Obando, na sinasabing pinakamaruming ilog sa buong mundo, kailangan namin ang tulong para sa proyektong ito, magtulong-tulong sana tayo para sa ating kalikasan para naman may masabing maayos at may saganang kalikasan ang mga susunod pa nating lahi!

Sa mga darating na mga araw, kami ng aking grupo, ang "GUARDIANS Stop Global Warming Foundation, Inc." ay manghihikayat sa lahat ng grupo ng mga "Makakalikasan" o "Environmentalist" upang mapag-isa na ang mga grupong gustong tumulong ng walang pagkukunwari para sa ating namamatay na kalikasan, binu-buo namin ang grupong "Save Our Nature Philippines Movement" o "Pagkilos para Sagipin ang Kalikasan sa Pilipinas" sa wikang Pilipino, na magkatulong-tulong na para sa ating kalikasan, iisa lang ang ating buhay, iisa lang ang ating lahi, at iisa lang ang ating bansa, at nag-iisa ang ating planeta na may tao, at ang tao ang dapat mag-ayos ng ating planeta, hindi ang mga hayop na tumutulong pero atin pang pinapatay, hindi ang mga ET na galing sa ibang planeta, kung hindi ang ating lahi, na mas marami ang may kabutihan kaysa mapagsamantala, at talino na siyang tanging magsasalba ng ating planeta, magtulong-tulong na po sana tayo!

Buksan po sana ang aming website sa pamamagitan ng pag-klik ng larawan ng "Ilog ng Meycauayan" sa itaas ng blog na ito at magbigay ng mensahe sa contact us page kung paano tayo magkakasama-samang mga grupo, kailangan din naming malaman ang mga suhesyon ninyo!

Salamat po at mabuhay kayo!